Poster courtesy of IMP Awards © Huayi Brothers Media |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Lauren Cohan, Rupert Evans
Genre: Horror, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 37 minutes
Director: William Brent Bell
Writer: Stacey Menear
Production: Huayi Brothers Media, Lakeshore Entertainment, STX Entertainment, Vertigo Entertainment
Country: USA, China
Yaya ang unang naging trabaho ni Greta (Lauren Cohan) nang makarating ito sa United Kingdom. Madali lang kung tutuusin ang trabaho niya kung saan aalagaan at babantayan lang niya ang batang si Brahms habang naka-bakasyon ang mga magulang nito. Bago makita ang alaga ay ilang patakaran ang ibinigay ng mag-asawang Heelshire kay Greta, mga patakarang para sa kaniya ay medyo kakaiba. Ito'y dahil ang aalagaan pala nitong bata ay hindi tao kundi isang proselanang manika.
Isang kabaliwan man ang lahat para kay Greta ay tinanggap parin niya ang trabaho. Sa simula'y ginawa nito ang mga nakaugaliang ginagawa sa batang manika ngunit hindi naglaon ay hindi na nito sinunod ang mga patakarang ibinigay sa kaniya. Dahil sa mga pagsuway ni Greta sa naturang patakaran ay dito na niya mararamdaman ang mga kakaibang presensya na dulot ng manikang si Brahms — ang manikang inakala nitong walang buhay, iyon pala'y punong-puno ng kababalaghan.
Sa simula pa lang ng palabas ay naiparamdam na ng pelikula sa manonood ang pagiging creepy ng istorya nito sa pamamagitan ng mga magulang na umaaruga ng isang bagay na wala namang buhay. Isama mo pa rito ang mga patakaran na magbibigay sa iyo ng kuryosidad kung ano ang kalalabasan nito kung sakali mang hindi ito sundin ng bida sa palabas. Wala itong masyadong jumpscares kaya naman mas ramdam mo ang nakakakabang musical scoring nito na para bang anumang oras ay mayroong puwedeng lumabas. Ito ang nagpadagdag sa takot na mararamdaman ng nanonood dahil mag-aabang ka kung mayroon bang gugulat sa iyo o wala.
Suki na ang mga manika bilang panakot sa mga horror movies ngunit hindi tulad sa iba, ang manika dito sa The Boy ay talagang kinasangkapan ng direktor upang pagmulan ng kababalaghan at hindi ginawang display lamang. Ang maganda rito ay tatakutin tayo ng palabas sa paraan kung paano nito tinatakot ang bida. Isang horror story kung saan ang nilalang na pinanggagalingan ng katatakutan ay hindi tino-torture ang bida. Maganda ang naging konsepto nito ngunit ang konsepto na ito na nagkaroon ng magandang panimula ay agad na nasira nang ibunyag na sa manonood ang twist ng kuwento. Para sa akin ay biglang nawala ang kababalaghang bumabalot sa palabas, nawala ang thrill at creepiness nito. Para bang bata na isinampal sa iyo ang katotohanan sa likod nina Santa Claus at Tooth Fairy. Ang maganda at kakaiba sanang konsepto nito ay binawi at bigla silang humilera sa mga cliche na horror-slasher film, hanggang sa maiwan ka na lang na dismayado sa kinauwian ng palabas.

No comments:
Post a Comment