Search a Movie

Monday, April 24, 2017

Vacation (2015)

Poster courtesy of IMP Awards
© New Line Cinema
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Ed Helms, Christina Applegate, Skyler Gisondo, Steele Stebbins
Genre: Adventure, Comedy
Runtime: 1 hour, 39 minutes

Director: Jonathan Goldstein, John Francis Daley
Writer: Jonathan Goldstein, John Francis Daley, John Hughes (characters)
Production: BenderSpink, David Dobkin Productions, New Line Cinema
Country: USA


Dahil sa kayabangan ng kaniyang kaibigan kung kaya't naisipan ng pilotong si Rusty Griswold (Ed Helms) na ibahin ang nakaplano nilang annual family trip sa isang cabin sa Cheboygan, Michigan (na lihim na kinasusuklaman ng asawa't mga anak ni Rusty). Sa taong ito ay naisipan niyang balikan ang kaniyang naging karanasan sa Walley World noong bata pa siya at ipadanas naman ito sa kaniyang dalawang anak sa pag-asang maging mas malapit pa ang kaniyang pamilya. Ngunit sa kanilang paglalakbay patungo sa Walley World ay sari-saring problema at kamalasan ang kanilang makakaharap, kabaiktaran sa inaasahan ng padre de pamilya ng mga Griswold.

Cringe comedy ang ginamit ng palabas upang magpatawa. At kahit na hindi ako mahilig sa ganitong klase ng komedya ay marami-rami din namang mga eksenang mapapatawa ka talaga ng mga bida. Opening credits pa lang ay matatawa ka na, subalit mayroon din namang mga pagkakataon na ikaw na mismo ang mahihiya sa mga pinaggagagawa ng mga karakter lalo na ng talunang karakter ni Helms. 

Magaling ang buong cast at sa totoo lang ay maganda ang naging adventure ng kanilang pamilya. Maayos naman ang naging development ng bawat karakter at masasabi kong tolerable naman ang humor nito. Hindi nga lang ito pang-pamilyang pelikula dahil marami itong taboo topics na awkward panoorin kasama ang magulang at mas lalo na ang mga bata.


No comments:

Post a Comment