Poster courtesy of IMP Awards © Touchstone Pictures |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Channing Tatum, Jenna Dewan
Genre: Drama, Music, Romance
Runtime: 1 hour, 44 minutes
Director: Anne Fletcher
Writer: Duane Adler, Melissa Rosenberg, Duane Adler (story)
Production: Touchstone Pictures, Summit Entertainment, Offspring Entertainment, Eketahuna LLC
Country: USA
Isang delinquent na maituturing si Tyler Gage (Channing Tatum), walang kinakatakutan kaya malakas ang loob na gumawa ng bawal. Ngunit nang minsang pasukin nito ang isang eskwelahan at magkalat kasama ang dalawa niyang kaibigan ay nahuli siya ng nakabantay na security guard. Bilang parusa ay binigyan siya ng two hundred hours na community service sa naturang paaralan.
Dito naman niya makikilala ang estudyanteng si Nora Clark (Jenna Dewan) na kasalukuyang nage-ensayo para sa paparating na "senior showcase" kung saan nakasalalay ang pagpasok niya sa isa sa mga professional dance companies. Ngunit sa kasamaang palad ay nadisgrasya ang dance partner nito at kinakailangang magpahinga mula sa pagsasayaw. Dito na papasok ang tulong ni Gage matapos itong magboluntaryo bilang kapareha ni Clark. Sa pagsasama ng dalawa, unti-unti silang magkakaroon ng koneksyon hanggang sa malihis na ng tuluyan ang atensyon ni Gage mula sa mga dati nitong kaibigan at magkaroon ng sariling layunin sa buhay.
Sa totoo lang ay nakakawalang-gana ang naging pag-arte ni Tatum sa pelikulang ito. Hindi mo alam kung ano ang ibinibigay nitong emosyon dahil wala kang makitang emosyon sa mukha niya, galit man ang karakter nito, masaya o kahit in-love. Sayang at may chemistry pa naman sila ni Dewan. Hindi maganda ang naging execution ng istorya, bukod sa gamit na gamit na ang mga linya dito ay masyado na ring overused ang naging konsepto ng kuwento nito.
Gayunpaman, maganda at nakaka-indak ang mga dance choreography ng palabas na pinaghalong hip-hop at ballet, maging ang musika nito, kahit na parang may mali sa paraan ng pagsayaw ni Tatum. May mga pagkakataong magaling siya ngunit mayroon ding oras na awkward siyang panooring sumayaw.

No comments:
Post a Comment