Poster courtesy of IMP Awards © Columbia Pictures |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Bradley Cooper, Emma Stone, Rachel McAdams
Genre: Comedy, Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 45 minutes
Director: Cameron Crowe
Writer: Cameron Crowe
Production: Columbia Pictures, Regency Enterprises, LStar Capital, RatPac Entertainment, Scott Rudin Productions, Vinyl Films, Sony Pictures Entertainment
Country: USA
Isang military contractor si Brian Gilcrest (Bradley Cooper) na kinakailangang bumalik sa Hawaii upang mag-organisa ng tradisyunal na pagbabasbas sa isang bagong pedestrian gate. Bukod dito, sa tulong ni Captain Allison Ng (Emma Stone) na isang Air Force liaison, ay kinakailangan din niyang makipagkasundo sa mga katutubo ng Hawaii upang suportahan ang launch ng private satellite ng bilyonaryong si Carson Welch (Bill Murray).
Ang lahat ng ito ay kinakailangan gawin ni Gilcrest sa lugar kung saan matatagpuan ang dati nitong kasintahang si Tracy (Rachel McAdams) habang sinusubukan nitong iwasang mabuklat ang mga nakaraan tungkol sa kaniyang trabaho at harapin ang bagong sibol na pag-iibigang mamumuo sa pagitan nila ni Ng.
Masakit sa ulo ang camera shots. Hindi ka maka-concentrate sa pinapanood mo sa screen dahil para itong kinunan ng isang lasing kahit na makakasanayan mo din naman ito sa paglipas ng oras. Mabuti na lang at magagaling ang cast ng pelikula, napaka-expressive ng mga bidang sina Cooper at McAdams at napaka-kulit naman ng karakter ni Stone. Iyon nga lang ay nasayang ang kanilang galing dahil sa madaling makalimutan na storyline at kuwentong walang tatatak sa isipan ng mga manonood. Maganda pa naman sana ang paraan ng pag-aayos nila ng conflict ng istorya gayunpaman ay hindi nito naidala ang buong palabas.
Maliban sa magagandang Hawaiian songs ay tanging ang malalaking pangalan lang na nasa pelikula ang aabangan dito.

No comments:
Post a Comment