Poster courtesy of Christian Cinema © Pure Flix Productions |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Melissa Joan Hart, Jesse Metcalfe
Genre: Drama
Runtime: 2 hours
Director: Harold Cronk
Writer: Chuck Konzelman, Cary Solomon
Production: Pure Flix Productions
Country: USA
Ang isang mabusising guro, bawat galaw ng kaniyang mga estudyante ay napapansin nito. Ganito ang History teacher na si Grace Wesley (Melissa Joan Hart) na agad napansin ang kakaibang iginagalaw ng kaniyang estudyanteng si Brooke Thawley (Hayley Orrantia) na kasalukuyang ipinagluluksa biglaang pagpanaw ng kaniyang kapatid.
Nang mag-usap ang dalawa ng masinsinan ay naitanong ni Thawley sa kaniyang guro kung paano nito nagagawang maging masaya palagi. Simpleng "Jesus" lang ang naging sagot ni Wesley. Nagsimulang magbasa si Thawley ng biblya na nagmula sa mga gamit ng kaniyang namayapang kapatid. Sa isang lecture ni Wesley sa klase tungkol kina Mahatma Gandhi at Martin Luther King, Jr ay nakapagtanong si Thawley ng patungkol sa biblya na inosente naman sinagot ng kaniyang guro. Dito na nagsimulang magkaroon ng problema nang madawit ang batas tungkol sa separation of church and state.
Bilang isang Pilipino na naninirahan o lumaki sa isang Kirstiyanong bansa ay mahirap maka-relate sa kuwento ng God's Not Dead 2 lalo na at ang pangunahing kuwento nito ay may kinalaman sa paghihiwalay ng pamahalaan sa simbahan, ibang-iba sa nakagisnan natin dito sa Pilipinas.
Katulad ng naunang palabas ay sa eskwelahan parin iikot ang kuwento ngunit sa pagkakataong ito ay hinaluan na ito ng court room drama. Wala nang kinalaman ang pangunahing kuwento nito sa naunang installment maliban na lang sa mga sub-plots ng mga recurring na supporting characters. Kaya naman kahit papaano ay kayang tumayo ng pelikula ng mag-isa.
Pagdating sa kuwento, masyado itong naging trying hard na maging dramatic. Sinikap nitong magbigay ng excitement sa loob ng korte ngunit nagmukha lang itong puchu-puchu. Hindi mahuhulog ang loob mo sa mga karakter dahil kulang sa conviction ang kanilang mga performance. Ito yung tipo ng palabas na pagkatapos mong panoorin ay mararamdaman mong parang may kulang. Kumbaga sa isang pagkain ay kinulang ito ng lasa. Naging over-dramatic ang climax nito at ni hindi man lang sila nagbigay ng paliwanag kung papaano ito nauwi sa kinahitnatnan nitong katapusan.

No comments:
Post a Comment