Search a Movie

Tuesday, April 11, 2017

Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! (2016)

Poster courtesy of Starmometer
© Viva Films
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Anne Curtis, Dennis Trillo, Paolo Ballesteros
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 43 minutes

Director: Jun Lana
Writer: Denoy Navarro-Punio, Renei Dimla, Jun Lana (story)
Production: Viva Films, IdeaFirst Company
Country: Philippines


Isang wedding planner si Kylie (Anne Curtis) na tila pinaglalaruan ng tadhana ang love life dahil lahat ng nagiging kasintahan nito ay pawang mga bading. Isa na rito si Benj (Paolo Ballesteros) ang kaniyang boyfriend turned best friend na kasosyo na niya ngayon sa kaniyang negosyo.

Sa kabilang banda, si Diego (Dennis Trillo) na kababata ni Benj, ay umuwi ng Pilipinas upang pag-planuhan ang nalalapit nitong kasal. Si Kylie ang hahawak ng kaniyang kasal sa pagnanais na malaman kung may pag-asa pa bang makatuluyan ni Benj si Diego na lihim na nitong iniibig simula noong bata pa lang sila, at umaasang aminin na nito ang kaniyang tunay na seksuwalidad. At mukhang totoo nga ang hinala ni Kylie lalo na nang magsimula na ring mahulog ang loob nito sa groom.

Bilang isang closet gay, napakalayo ng naging portrayal ni Ballesteros sa kaniyang role. Masyadong exaggerated ang kaniyang pagganap na inaasahan ko na bilang comedy ang palabas ngunit masyado na itong OA sa puntong hindi na siya nakakatawa. Minsan ay may mga pagkakataong nahahawa na rin si Curtis sa pagiging OA nito subalit kahit papaano ay cute parin siyang tignan sa kaniyang mga eksena.

Magulo ang naging pagku-kuwento ni Jun Lana sa kaniyang pelikula. Maraming mga eksenang parang random ang pagkakasunod-sunod at walang kinalaman sa naunang tagpo. Naging dragging tuloy ang labas nito, mabuti na lang at nandoon parin ang misteryo ng karakter ni Trillo na aabangan ng mga manonood  kung bading ba siya o isang tunay na lalaki.

Ang pagiging natural ng screen chemistry nila Trillo at Curtis ang nagsalba sa pelikula. Makakaramdam ka ng kilig dahil parehong magaling ang dalawang bida, kahit na sintunado ang naging duet nila sa palabas na parte rin naman ng humor nito. 


No comments:

Post a Comment