Poster courtesy of IMP Awards © Marvel Studios |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Benedict Cumberbatch, Chiwetel Ejiofor, Rachel McAdams
Genre: Action, Adventure, Fantasy, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 55 minutes
Director: Scott Derrickson
Writer: Jon Spaihts, Scott Derrickson, C. Robert Cargill, Stan Lee (comics), Steve Ditko (comics)
Production: Marvel Studios, Walt Disney Pictures
Country: USA
Ang maganda at marangyang buhay ng aroganteng neurosurgeon na si Stephen Strange (Benedict Cumberbatch) ay biglang nagbago sa isang kisapmata nang maaksidente ito at masira ang pinakamahalagang parte ng kaniyang katawan na ginagamit niya sa kaniyang trabaho — ang kaniyang mga kamay.
Sa pagnanais na maibalik ang katawan sa dati ay nagsubok si Strange ng sari-saring experimental surgeries ngunit maging ang mga ito ay walang nagawa sa kasalukuyan niyang estado. Hanggang sa sinubukan nitong sikapin ang tulong ng sorcerer na si Karl Mordo (Chiwetel Ejiofor) na siyang magtuturo sa kaniya ng astral plane at ng mga ibang dimensyon. Makukuha ni Strange ang kaniyang gusto ngunit ang kapalit nito ay ang pagsisimula ng panibagong buhay na kaniyang tatahakin.
Bilang isang pelikula na parte ng Marvel Cinematic Universe, ang Doctor Strange ang isa sa maituturing na weakest kung ang kuwento nito ang pag-uusapan. Para sa akin ay hindi gaanong appealing ang naging istorya nito bilang isang stand-alone film. Papanoorin mo lang ang palabas dahil kasama ito sa mas malaking kuwento at ito nga ang MCU.
Maganda ang visual effects, as usual. Cool sa paningin ang magical weapons ng mga karakter. Action packed ang bawat eksena dahil sa magagandang fight sequences ngunit hanggang doon na lang ang iginanda ng pelikula. Hindi ko ito nakitaan ng humor na siyang trademark ng Marvel movies. Mabuti na lang at kasama rito ang kapa ni Strange na kahit papaano ay siyang nagbibigay ng katatawanan sa palabas.
Nandoon na ang galing sa pag-arte ni Cumberbatch ngunit hindi ito sapat para sa palabas. Maganda nga ang costume at special effects ngunit nagkulang naman ito sa kuwento at dito bumagsak ang Doctor Strange.

No comments:
Post a Comment