Search a Movie

Sunday, May 14, 2017

Paddington (2014)

Poster courtesy of IMP Awards
© StudioCanal
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Ben Whishaw, Hugh Bonneville, Sally Hawkins, Madeleine Harris, Samuel Joslin
Genre: Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 35 minutes

Director: Paul King
Writer: Paul King, Hamish McColl (story), Michael Bond (character)
Production: StudioCanal, Anton Capital Entertainment (ACE), TF1 Films Production, Canal+, Ciné+, TF1, Heyday Films, The Weinstein Company
Country: United Kingdom, France


Sa kagubatan ng Peru, British, isang klase ng oso ang nadiskubre ng explorer na si Montgomery Clyde (Tim Downie). Hindi tulad sa mga pangkaraniwang oso, ang nakita ni Montgomery sa gubat na ito ay matatalino at may kakayahang magsalita. Kaya naman sa halip na hulihin ang mga ito ay naging kaibigan niya ang dalawang mag-asawang sina Lucy (Imelda Staunton) at Pastuzo (Michael Gambon).

Ilang taon ang lumipas, mapayapang namumuhay sina Lucy at Pastuzo kasama ang kanilang pamangkin sa naturang gubat nang magkaroon ng matinding pagyanig sa lupa dahilan upang masira ang kanilang tahanan. Hinimok ni Lucy ang kaniyang pamangkin na magtungo sa London, kung saan naninirahan ang kaibigan nilang si Montgomery, upang maghanap ng kaginhawaan na siya namang sinunod ng bata.

Ngunit pagdating ng kanilang pamangkin sa London ay nabigo itong makahanap ng panibagong tahanan hanggang sa makita siya ng pamilya Brown na siyang pansamantalang kumupkop sa kaniya habang kanilang hinahanap ang explorer na si Montgomery. Dahil walang pangalan, Paddington ang ibinigay nilang tawag sa naturang oso hango sa istasyon kung saan nila ito nakita.

Sa pagtira ni Paddington sa tahanan ng mga Brown ay sari-saring gulo ang mabubuo, isa na rito ang pagdating ng museum taxidermist Director na si Millicent Clyde (Nicole Kidman) na nais gawing stuffed animal si Paddington para sa kaniyang museum.

Bagamat hindi gaanong nakakatuwa ang slapstick humor ng palabas ay may nakaka-aliw namang kuwento ang Paddington. Saktong-sakto ito para sa buong pamilya na siyang ikakatuwa lalo na ng mga bata. Hindi na bago ang mga tipo ng kuwentong iikutan ng palabas ngunit makapagbibigay parin naman ito ng masayang movie experience dahil madadala ka sa istorya nito. Bukod dito ay napakaganda rin ng visual effects ng palabas. Interesting ang mga karakter at mapapa-ibig ka ng bida dahil sa angkin nitong ka-cutan. 


No comments:

Post a Comment