Poster courtesy of IMP Awards © Voltage Pictures |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Matthew McConaughey, Jennifer Garner, Jared Leto
Genre: Biography, Drama
Runtime: 1 hour, 57 minutes
Director: Jean-Marc Vallée
Writer: Craig Borten, Melisa Wallack
Production: Truth Entertainment (II), Voltage Pictures, r2 films, Evolution Independent, CE, RainMaker Films
Country: USA
Isa na siguro ang AIDS sa mga pinakamabagsik na sakit na sa kasalukuyan ay wala pang nahahanap na lunas. Kaya naman nang ma-diagnose ang electrician na si Ron Woodroof (Matthew McConaughey) na may AIDS noong 1985 kung saan under research pa lamang ang gamot sa naturang karamdaman ay nataningan agad ang buhay nito ng tatlumpung araw.
Kasabay ng pagbagsak ng kaniyang katawan ay ang pagbagsak ng kaniyang buhay. Isa-isang iniwan ng mga itinuring niyang kaibigan at kapamilya si Woodroof, natanggal siya sa trabaho at napalayas din sa kaniyang tinitirahan. Hindi tanggap ang isang buwan na palugit para sa kaniyang buhay ay nilabanan ni Woodroof ang kaniyang sakit. Nanuhol ito ng isang hospital worker para sa gamot na AZT (zidovudine), isang gamot na pinaniniwalaang maaaring magpahaba sa buhay ng taong may sakit na AIDS. Ngunit taliwas sa paniniwalang ito ay lalong lumala ang karamdaman ni Woodroof. Walang ibang nagawa si Woodroof kundi ang kumapit sa ibang gamot, mga gamot na hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA). Gayunpaman, dahil sa mga iligal na gamot na ito ay lumakas ang pangangatawan ni Woodroof at umabot pa ang buhay nito ng tatlong buwan.
Dito na naisipan ni Woodroof na ibenta ang mga iligal na gamot na ito sa mga nangangailangan hanggang sa lumaki ito at naging negosyong pinangalan niyang "Dallas Buyers Club". Sa paglaki ng kaniyang negosyo ay nagkaroon naman siya ng panibagong kalaban — ang FDA.
Sa pagbabago pa lang na ginawa ni McConaughey sa kaniyang katawan upang umakma sa kaniyang karakter ay kitang-kita na natin ang dedikasyon nito sa kaniyang trabaho. Hindi pa rito kasama ang ipinamalas niyang galing sa palabas na malayung-malayo sa mga tipikal na role nito na kaniyang ginagampanan. Bukod kay McConaughey ay napakaganda rin ng ipinakitang performance ni Jared Leto bilang isang transgender. Mapapaniwala ka talaga sa kaniyang role sa buong takbo ng pelikula. Hindi mo iisiping ang mga karakter sa palabas ay sina McConaughey at Leto dahil ibang-iba ang kanilang katauhan dito.
Pagdating sa kuwento ng palabas, maganda ang ipinaglaban ng ating karakter ngunit sa totoo lang ay dragging ang kuwento nito lalo na pagdating sa kalagitnaan kung saan ipinasok na ang love angle sa pagitan ng bida at ng karakter ni Jennifer Garner. Walang naging chemistry sa pagitan ng dalawa kaya nakakawalang interes ang subplot na ibinigay sa kanila. Mahirap din maki-simpatya kay Woodroof lalo na't alam mong nasa maling panig siya ng batas. Maiintindihan mo ang kaniyang sitwasyon ngunit sa naging ugali nito ay lalo mawawalan ka ng ganang suportahan siya.
Oo't nakakabilib ang istorya ng Dallas Buyers Club ngunit hindi ko na-enjoy ang paraan ng pagkaka-kuwento nito na medyo nakakawalang-gana ng interes. Nakabawas din siguro sa ganda ng istorya ang pagiging fictional ng dalawa sa main characters ng pelikula.

No comments:
Post a Comment