Search a Movie

Wednesday, May 24, 2017

Moonlight (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© A24
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Trevante Rhodes, André Holland
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 51 minutes

Director: Barry Jenkins
Writer: Barry Jenkins, Tarell Alvin McCraney (play)
Production: A24, PASTEL, Plan B Entertainment
Country: USA


Ang kuwento ng isang black-American na lumaki sa marahas na mundo sa tulong ng kabutihang dulot ng ilang mga tao. Bata pa lamang si Chiron (Trevante Rhodes) ay nakaranas na siya ng pambu-bully dahil sa pagiging bading nito na sa mga oras na iyon ay hindi pa alam ang dahilan kung bakit o ano ang masama sa naging seksuwalidad niya.

Sa pamamagitan ni Juan (Mahershala Ali) ay nagkaroon ng kakampi sa buhay si Chiron. Kay Juan nakatanggap ng suporta si Chiron na dapat sana ay ang ina nitong drug addict ang nagbibigay. Si Juan ang nagturo sa bata na tanggapin kung ano siya, na huwag itong ikahiya kung ano siya at huwag niyang hayaang bastusin siya ng lipunan.

Sa paglaki ni Chiron ay nagsimula siyang tumayo sa kaniyang sariling mga paa at mag-isang hinarap ang mga problema sa buhay at ang sariling isyu sa kaniyang pagkatao at sa kaniyang pamilya.

Napaka-interesting ang naging pagku-kuwento ni Barry Jenkins sa istorya ng Moonlight. Ito yung pelikulang wala masyadong kaganapan na maaaring kukuha ng iyong atensyon ngunit gayunpaman ay tututukan mo parin ang kuwento nito at aabangan sa mga susunod na kabanta ng buhay ng bida. Realistic ang approach at walang gaanong exaggerated na drama. May mga eksena ding hindi na kinakailangan ng dialogue upang maintindihan ng manonood kung ano ang nangyayari. Kahit hindi na ipakita o iparinig ay mauunawaan mo parin kung ano ang mga ganap.

Wala masyadong notable actors sa palabas kung ang mga naging pagganap ng cast ang pag-uusapan kaya hindi ko alam kung papaano at bakit nabingwit ni Ali ang Oscar award para sa Best Supporting Actor gayong saglit lang ang naging partisipasyon nito sa palabas at ang naging role niya dito, bagamat malaki ang importansya, ay hindi rin naman gaanong kahanga-hanga. 

Ang kuwento ng Moonlight ang maipagmamalaki ng naturang palabas na hindi malayong nangyayari sa tunay na buhay. Ang pagpsusumikap ng bidang bagamat pinagmalupitan ng mga tao sa kaniyang paligid dahil sa kaniyang seksuwalidad ay nagpatuloy parin sa kaniyang buhay. May leksyon, may aral at may inspirasyon. Hindi na ako magtataka kung bakit nito nakamit ang Oscars subalit kung ako ang tatanungin, may mga katunggali itong makapagbibigay rin ng leksyon, aral at inspirasyon at gayun din ng aliw.


No comments:

Post a Comment