Poster courtesy of IMP Awards © Universal Pictures |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Emma Roberts, Alex Pettyfer, Georgia King
Genre: Comedy, Drama, Romance
Runtime: 2 hours, 4 minutes
Director: Nick Moore
Writer: Lucy Dahl
Production: Universal Pictures, StudioCanal, Relativity Media, Working Title Films
Country: United Kingdom, USA, France
Simula nang pumanaw ang ina at magkaroon ng bagong kinakasama ang kaniyang ama ay naging rebelde na ang dalagang si Poppy Moore (Emma Roberts). Kaya naman nang maubos na ang pasensya ng ama nito ay walang na itong ibang maisip kung hindi ang dalihin sa isang all-girls boarding school ang kaniyang anak, sa lugar kung saan malayo sa kaniyang nakasanayan.
Istrikto at bawal ang pasaway sa Abbey Mount, ang paaralan kung saan ipinasok si Poppy. Sa pagnanais na ma-expel sa naturang lugar ay nakipag-kuntsaba si Poppy sa kaniyang roommates upang gumawa ng mga eksenang ikakatanggal niya sa naturang eskwelahan at isa na dito ang paibigin ang anak ng head mistress na si Freddie Kingsley (Alex Pettyfer). Ngunit sa pagsasagawa ni Poppy sa kanilang plano ay unti-unting magbabago ang loob nito hanggang sa mapamahal na ang dalaga hindi lang sa lugar kundi maging sa kaniyang mga bagong kaibigan.
Bilang isang pambatang pelikula, siguro ay papasa na ang Wild Child kung pag-uusapan ang naging kuwento nito. Simple at predictable na ang istorya dahil hindi na ito bago sa big screen. Makakapagbigay naman ito ng pansamantalang tuwa dahil sa genre nito ngunit minsan ay nasosobrahan ang palabas sa pagpapatawa lalo na kapag sinasabayan pa ito ng corny na sound effects.
Ang nagustuhan ko dito ay hindi purong kabulastugan ang pinaggagagawa ng mga bida sa palabas sa halip ay iniba nila ang direksyon nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng isports sa kuwento. Maganda ang naging character development ni Poppy ngunit hindi gaanong kaganda ang pagbibigay-buhay ni Roberts sa karakter na ito na mas magbibigay ayos sana sa pelikula. Medyo nakulangan ako sa romance story sa pagitan ng karakter nila Roberts at Pettyfer, sa totoo lang ay ito ang pinaka-boring na parte ng palabas. Sayang lang at maganda sana ito bilang ang pinaka-highlight ng palabas kaso ay hindi ito nagamit ng maayos.
Isang feel-good movie na may aral at ikakatuwa naman ng kahit sinong manonod, huwag nga lang umasa ng matindi at seryosong plotline para hindi madismaya at asahan mo na ang ilang OA, cringy at cheesy na mga eksena.

No comments:
Post a Comment