Search a Movie

Saturday, May 6, 2017

The Imposter (2012)

Poster courtesy of IMP Awards
© 24 Seven Productions
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Adam O'Brian, Frédéric Bourdin
Genre: Documentary, Biography
Runtime: 1 hour, 39 minutes

Director: Bart Layton
Production: 24 Seven Productions, A&E IndieFilms, Film4, Protagonist Pictures, RAW, Randy Murray Productions
Country: United Kingdom, USA


Taong 1994 nang mawala ang labing-tatlong taong gulang na si Nicholas Barclay. Tatlong taon ang lumipas at isang binata, Frédéric Bourdin, mula sa Espanya ang lumutang at nagpanggap bilang si Nicholas. Tinanggap siya ng pamilya Barclay sa pag-aakalang ito ang batang nawalay sa kanila tatlong taon na ang nakakalipas hanggang sa mapagtanto nilang ang binatang pinapasok at inaruga nila sa kanilang tahanan ay isa palang impostor.

Bilang isang documentary ay very compelling ang naging presentasyon nila sa kuwento ni Bourdin. Ito'y dahil maayos ang naging pagsasabuhay nila sa mga pangyayari, punung-puno ng mga detalye at bukod dito ay dalawang panig ng katotohanan ang iyong mapapakinggan sa palabas, ang kuwento ni Bourdin at ang istorya mula sa mga Barclay. 

Habang pinapanood mo ang mga interview ng mga kasangkot sa kaso ay hindi mo maiiwasang mainis, magalit at magtaka sa itinakbo ng mga pangyayari. Manggigigil ka sa katang*han ng pamilya Barclay, kung paanong ang isang binatang iba ang kulay ng buhok, iba ang kulay ng mata, iba ang accent at halos walang pagkakapareho kay Nicholas ay tinanggap nila bilang ang nawawala nilang kapamilya. Maging ang mga awtoridad ay hindi nakalampas sa katang*hang ito dahil pati sila ay pinaikot ng isang binata gamit ang isang hindi makatotohanang kuwento. Saludo ako sa talinong ipinamalas ni Bourdin ngunit kasusuklaman mo siya sa mga ginawa niya lalung-lalo na't sa mga interview niya ay ni hindi siya nagpakita ng anumang pagsisisi.

Maganda ang unti-unting pagsisiwalat nila sa mga pangyayari. Para itong  isang fictional na kuwento na maaaring gawing materyal para sa isang thriller film. Magugulat ka sa mga naganap at bawat rebelasyon ay mapapanganga ka lalo na sa ilalabas nilang teorya na isinahog sa palabas upang magkaroon ng twist. Nakakadismaya lang na sa katapusan ng dokyu ay isa paring unsolved mystery ang naturang kaso ng pagkawala ni Nicholas Barclay.


No comments:

Post a Comment