Poster courtesy of IMP Awards © Lionsgate |
★★★ ☆☆☆☆☆☆☆
Starring: Robert De Niro, Zac Efron
Genre: Comedy
Runtime: 1 hour, 42 minutes
Director: Dan Mazer
Writer: John M. Phillips
Production: Lionsgate, BillBlock Media, QED International, Josephson Entertainment,
Country: USA
Dalawang lingo na lang at ikakasal na si Jason Kelly (Zac Efron) sa kaniyang fiance nang mamatay ang lola nito. Upang damayan ang kaniyang nabyudong lolo na si Dick Kelly (Robert De Niro) ay pansamantala nitong sinamahan ang matanda. Ang hindi niya alam ay nililinlang lang siy ng kaniyang lolo upang samahan siya sa isang matinding kabulastugan para sa isang spring break.
Opening credits pa lamang ay bibigyan ka na ng senyales kung ano ang kalalabasan ng pelikula — parang isang isang bad photoshop na intensyunal man o hindi ay hindi parin nakakatuwa o nakakatawa bagkus ay mauuwi lang sa isang malaking epic failure.
Mahirap i-enjoy ang Dirty Grandpa dahil nakakairita ang mga karakter nito. Matandang manyakis, engot na bida, at upang sila'y maging katawa-tawa ay gagawin silang lasing o lango sa droga, gayunpaman ay hindi parin gumana ang ganitong klaseng humor at nagmukha lang ang palabas na trying hard sa komedya. Corny ang mga biruan na ang mga mababaw lang siguro ang kaligayahan ang tatawa. Pinuno nila ang palabas ng sexual at c*ck jokes. Siyempre ay hindi rin mawawala ang paghuhubad ni Zac Efron na halos lahat yata ng naging palabas nito ay kinakailangang magpakita ang abs.
Sa palabas na ito ay nasira ang image ni De Niro. Hindi ko aasahang gagawa siya ng ganitong klaseng palabas na hindi na nalalayo sa basura. Napaka-babaw ng storyline na kinakailangan pang gamitin ang kamatayan para lang makagawa ng kabastusan.
Ito ang pelikulang papabor sa kasamaan ng ugali ng bida para lang makapagpatawa. Hindi ko alam kung may nais ba itong ipamahaging aral pero wala akong nakitang matino sa napanood ko. Kung abs lang ni Efron ang iyong hanap ay hindi ka madidismaya ngunit kung matinong kuwento at tunay na katatawanan ang iyong gusto, siguradong uuwi kang dismayado.

No comments:
Post a Comment