Poster courtesy of IMP Awards © Walt Disney Pictures |
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Emma Watson, Dan Stevens, Luke Evans
Genre: Fantasy, Musical, Romance
Runtime: 2 hours, 9 minutes
Director: Bill Condon
Writer: Stephen Chbosky, Evan Spiliotopoulos, Jeanne-Marie Leprince de Beaumont (story)
Production: Mandeville Films, Walt Disney Pictures
Country: USA, United Kingdom
Ang live adaptation ng isa sa mga iconic fairy tales na minahal ng lahat, Beauty and the Beast. Wala gaanong binago sa adaptation na ito na tiyak ikakatuwa ng mga nagmamahal sa naturang palabas. Kung ano ang napanood natin sa animation version nito noong 1991 ay ganoon din sa 2017 version, ang kaibahan nga lang ay tunay na tao ang mga gumanap.
Tungkol ito sa isang prinsipeng isinumpa dahil sa hindi nito kagandahang ugali. Ang tanging lunas sa naturang sumpa ay kung iibig siya ng isang dalaga at iibigin siya nito pabalik sa kabila ng kaniyang hitsura. Ito ang inaasahan ng Beast (Dan Stevens) nang mapunta sa kaniyang palasyo ang dalagang si Belle (Emma Watson) ngunit ang ikinatatakot nito ay ang pag-ibig na maaaring ipagkait sa kaniya dahil sa kaniyang panlabas na anyo.
Nakaka-aliw itong panoorin dahil sa bongga nitong production, mula sa costume, props, maging sa set at visual effects. Kumpara sa animation nito ay mas detalyado na ang mga pangyayari dito sa 2017 version. Naipakita sa mga manonood ang kuwento ng pamilya ni Belle at ang pagkaka-sumpa ng prinsipe. Nagkaroon din ng stages ang pagsasama ng dalawang bida, makikita dito ang naging development ng mga karakter bago sila nagkahulugan ng loob na mas kapani-paniwala dahil makikita dito ang pinagsamahan nilang dalawa, hindi katulad ng 1991 version na bigla na lang silang nagka-ibigan.
May ilang issues lang ako sa karakter ni Beast. Una sa lahat ay hindi boses beast ang kaniyang pananalita, hindi nakakatakot kaya wala kang mararamdamang dominance kapag nagsasalita ito. Bukod doon ay tila may kulang sa mukha nito, kita parin ang pagiging tao niya na tinubuan lang ng balahibo. Hindi intimidating tignan at sa halip na magbigay ng aggressive na impression ay mapapa-tingin ka lang sa kaniyang mukha at mapapa-isip na parang may mali.
Sa kabilang banda, bumagay kay Watson ang kaniyang karakter. Wala kang maipipintas sa naging pagganap nito. Sa katunayan, sa kabila ng hitsura ng kaniyang kapareha ay nakapag-bigay silang dalawa ng kilig. Nakabuo sila ng spark kahit na taliwas ang panlabas na anyo ng dalawa. Nakuha din naman ni Evans ang pagiging GGSS ni Gaston, suwapang at sakim. Magagalit ka sa kaniya at maiinis na isang pagpapatunay na mahusay ang naging pagganap nito sa kaniyang karakter.
Sa kabila't-kanang adaptations at remakes sa big screen, karamihan dito ay naiiwang dismayado ang mga fans ngunit iba ang Beauty and the Beast dahil nakuha nito ang pagiging magical at romantic ng naturang fairy tale. Masasabi kong nabigyan nila ng hustisya ang kuwento ng dalawa. Kikiligin ka sa panonood gayon din ay bibigyan ka ng thrill at drama. Mapapa-indak at mapapasabay ka sa musika ng palabas at tataasan ka naman ng balahibo sa theme song nito. Sari-saring emosyon ang mararamdaman mo sa palabas ngunit sigurado akong iisa lang ang mararamdaman ng bawat manonood — good vibes.

No comments:
Post a Comment