Poster courtesy of IMP Awards © Fox Searchlight Pictures |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Natalie Portman, Peter Sarsgaard, Greta Gerwig
Genre: Biography, Drama, History
Runtime: 1 hour, 40 minutes
Director: Pablo Larraín
Writer: Noah Oppenheim
Production: Fox Searchlight Pictures, LD Entertainment, Wild Bunch, Protozoa Pictures, Why Not Productions, Bliss Media
Country: USA, Chile, France
Matapos ang samu't-saring pelikula na ginawa para kay John F. Kennedy ay nararapat lang na mabigyang pansin din ang maybahay nitong si Jacqueline Kennedy (Natalie Portman). Kaya naman sa pagkakataong ito, isang biography movie ang ginawa sa buhay ni Jacqueline matapos ang masalimuot na pagpatay sa asawa nito na dating presidente ng Amerika.
Ang pelikula ay iikot sa point of view ni Jackie bago, pagkatapos at sa mismong pagkamatay ni JFK. Kung sa mga pelikula kung saan isinabuhay ang pagkamatay ni JFK ay naka-sentro ang kuwento nito sa mismong assassination, dito sa Jackie ay ipapakita naman nito ang mga naganap pagkatapos ng kalunos-lunos na pangyayari. Kung papaano ang mga paghahandang ginawa ni Jackie, sa pagtanggap ng katotohanang isa na siyang balo at hindi na siya ang unang ginang ng kanilang bansa.
Magaling si Pablo Larraín dahil alam nito kung saan at ano ang focus ng pelikula. Hindi na nito ginatasan ang malagim na pangyayari sa buhay ni JFK bagkus ay nabigyan nito ng isang magandang pagsasabuhay ang iniwan nitong asawa na si Jackie, kaunting pasilip sa naging buhay nito pagkatapos ng insidente na siyang dudurog sa puso ng sinumang manonood nito.
Ipinakita ng palabas ang pagkakaroon ng marangyang buhay ng isang first lady gayon din ang hirap ng pagkakaroon ng ganoong klaseng titulo. Makikita rin dito ang pagluluksa ng isang simpleng maybahay na sa kabila ng naging estado niya sa buhay ay katulad din natin siya, normal na taong nasasaktan kapag nawalan ng mahal sa buhay.
Ang lahat ng ito ay magaling na binigyang buhay ni Portman na kahit medyo nakaka-bother ang wig nito ay nagpakita naman siya ng husay sa pag-arte. Ang mga emosyon ay makikita mo sa kaniyang mga mata na tila nangyari ito mismo sa kaniya sa totoong buhay. Madadala ka sa ipinamalas niyang galing na kahit hindi ka pa man niya pinakitaan ng madramang pag-iyak ay damang-dama mo na ang lungkot dahil sa ekspresyon pa lamang ng kaniyang mukha, matatag ngunit nasasaktan. Kaya naman hindi matatawaran ang galing na ibinigay ni Portman sa palabas.
Maganda rin ang ginawa ni Larraín sa ilang shots nito na filtered at nagmistulang real at raw footage ng mga pangyayari noong 1963. Mas makatotohanan ang panonood mo rito dahil sa ginawa nitong istilo, lalo na sa parte na paulit-ulit man ginawan ng reenaction sa ibang pelikula ay tataasan ka parin ng balahibo nang ipakita na ang bersyon nito ng assassination ni JFK.

No comments:
Post a Comment