Search a Movie

Tuesday, April 21, 2015

Love, Rosie (2014)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Lily Collins, Sam Claflin
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 42 minutes

Director: Christian Ditter
Writer: Juliette Towhidi, Cecelia Ahern (novel)
Production: Canyon Creek Films, Constantin Film, Octagon Films
Country: United Kingdom


Kuwento ng dalawang magkaibigan na nagkahulugan ng loob ngunit dahil sa pagiging martyr nila sa pag-ibig ng bawat isa ay nauwi sa magkabilang direksyon ang pagsasama nilang dalawa. Mula sa libro ni Cecelia Ahern na "Where Rainbows End" na siya ring sumulat sa librong "PS I Love You", ito ay ang istorya ni Rosie at ng kababata niyang si Alex at kung paano nasira ang pagkakaibigan nila dahil sa pag-ibig.

Magsisimula ang pelikula kay Rosie Dunne (Lily Collins) na problemado para sa gagawin niyang speech sa isang kasal... sa kasal ni Alex Stewart (Sam Claflin). Nagdadalawang-isip ito kung ano ang mga dapat niyang sabihin para sa bagong kasal ngunit bago pa man niya simulan ang kaniyang speech ay babalik ang pelikula 25 years ago kung saan kakatuntong pa lang ni Rosie sa labing-walong taong gulang. Dito magsisimulang ipakita kung papaano naging haertbroken si Rosie, kung bakit nauwi si Alex bilang groom at siya bilang best man.

Sa flashback na ito malalaman ang mga missed opportunities nilang dalawa dahil sa maling akala, maling pagkakataon at maling desisyon. Na sa halip na mas lumalim pa sana ang pagsasama nila ay lalo silang nagkalayo dahil sa hindi maamin-aming nararamdaman.

Kung titignan, isa lang din itong tipikal na romance-comedy film na may predictable ending kaya may kaunting dismaya sa parte ko nung matapos na ang pelikula. Gusto ko sanang magkaroon ng lesson learned ang palabas ngunit tinahak nito ang direksyon ng mga fairy tale stories na sa dulo ay magiging okay din ang lahat, na malayo talaga sa realidad. Sabagay, isa itong rom-com na ginawa upang magpakilig kaya lalabas akong KJ kung ako ang masusunod. 

Speaking of kilig, malakas ang chemistry nila Collins at Claflin. Sa buong pelikula, gusto mong magkatuluyan sila pero dahil sa pagiging masyadong martyr at torpe ng kanilang mga karakter ay mas gugustuhin mong 'wag na lang. Sa kabila ng pagkakaroon nilang dalawa ng onscreen chemistry, nakulangan ako ng kilig vibes sa dulo ng pelikula. Siguro dahil hindi ako pabor sa naging katapusan nito, pero parang pilit ang naging konklusyon ng palabas. Ito yung klase ng pelikulang mahilig magbigay ng pag-asa sa mga taong hopeless romantic.


© Canyon Creek Films, Constantin Film, Octagon Films

No comments:

Post a Comment