Search a Movie

Friday, April 10, 2015

Still Alice (2014)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Julianne Moore, Alec Baldwin, Kristen Stewart
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 41 minutes

Director: Richard Glatzer, Wash Westmoreland
Writer: Richard Glatzer, Wash Westmoreland, Lisa Genova (novel)
Production: Killer Films, Backup Media, Big Indie Pictures, BSM Studio
Country: USA


Isang linguistic professor, matalino, magaling sa mga salita, si Alice Howland (Julian Moore) ay may magandang buhay at maayos na pamilya ngunit ang lahat ng ito ay unti-unting nawala sa kaniya nang makitaan siya ng early onset familial Alzheimer's disease na siyang sisira sa kaniyang masayang buhay.

Naka-sentro sa buong pelikula kay Alice at sa kung papaanong paraan niya at ng kaniyang pamilya hinarap ang kaniyang sakit lalo na nung malaman nilang namana niya ang sakit na ito at maaari rin itong makuha ng kaniyang mga anak. Mula sa simpleng pagkalimot ng mga salita hanggang sa pagkalito sa mga direksyon, ipinakita ng pelikula ang bagsik ng sakit na Alzheimer's, kung papaano nito wasakin ang buhay ng isang tao at mauwi sa tila walang kuwentang buhay.

Mahusay na pagganap ang ginawa dito ni Moore, well developed ang kaniyang character at makikita mo talaga ang laki ng pagbabago nito mula sa isang healthy Alice hanggang sa lamunin siya ng kaniyang sakit. Ang facial expressions at mga galaw, kuhang-kuha niya ang taong nasa ilalim ng nasabing karamdaman kaya mapapabilib ka talaga sa kaniyang acting prowess. 

Maayos din ang supporting cast, si Alec Baldwin na gumanap bilang asawa ni Alice na concern nung una ngunit tila nawalan na ng pasensya sa bandang huli, si Kristen Stewart bilang Lydia, ang pangatlong anak ni Alice na may rebel side at may ibang plano sa buhay ngunit sa kanilang magkakapatid ay ang pinaka may malasakit sa kaniyang ina. Wala akong masyadong nakitang pagbabago kay Stewart pagdating sa kaniyang acting skills, katulad parin ito sa mga ginawa niya sa Twilight series na katanggap-tanggap naman para sa akin ngunit hindi ganoon kagaling kung ikukumpara sa iba.

Katulad din ito ng ilang pelikulang tumatalakay sa mga bidang may mental illness kung saan mapapagtanto mo sa huli kung gaano kahirap at gaano kasaklap ang magkaroon ng mga sakit na tulad ng Alzheimer's. Yung mga tipo ng pelikula na mapapaiisp ka, paano kung sa akin nangyari ito?


© Killer Films, Backup Media, Big Indie Pictures, BSM Studio

No comments:

Post a Comment