Search a Movie

Friday, January 30, 2015

Manny (2014)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Liam Neeson, Manny Pacquiao
Genre: Documentary, Sports
Runtime: 1 hour, 28 minutes

Director: Leon Gast, Ryan Moore
Production: Wonderspun, Revelin Studios
Country: USA, Philippines


Sa mga Pinoy, hindi na bago ang pinagmulan ng isang Manny Pacquiao. Ilang ulit na itong ginawan ng dokyumentaryo at pelikula dito sa Pilipinas pero hindi ko ito masyadong binigyan atensyon dahil hindi naman ako ganoon ka-interesado sa naging buhay ng ating Pambansang Kamao. Alam kong from rags to riches ang istorya ng buhay ni Pacquiao at ito ang ipinakita sa documentary film na Manny mula sa isa sa mga Oscar winning director na si Leon Gast.

Sinuri nito ang pinagmulan ni Pacquiao at kung paano nito pinasok ang mundo ng boxing. Mula sa pagiging isang payat at underage na binata na ang tanging gusto lang ay makahanap ng trabaho para sa pamilya, nakilala nito si Coach Freddie Roach na siyang sumanay at bumuo sa isa na ngayong pinakamagaling na boksingero sa mundo.

Maayos sana kung si Liam Neeson na lang ang nag-narrate mula sa umpisa hanggang sa dulo ng pelikula kaso mas marami pang narration dito si Pacquiao kumpara kay Neeson at sa totoo lang, hindi magandang pakinggang ang carabao english/robotic narration niya. Magulo rin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, may ilang clips na paulit-ulit pinapakita at may mga laban na nilagpasan. Hindi lang sa boxing nag-focus itong documentary kundi sa buong buhay ni Pacquiao, pinag-usapan din dito ang pagiging pulitiko nito, basketball coach at mga ilan pang ginawa niya sa labas ng ring.

Maging ang pagiging film actor nito ay hindi pinalampas at sa totoo lang ay hindi magandang pakinggan ang katotohanan mula sa ibang tao tulad ni Mark Wahlberg na hindi maganda ang mga pelikulang ginawa nito (na totoo naman) and I quote "I believe it's horrible.", at makikita ito ng ibang tao hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Pero overall, nakaka-proud din naman na ang isang dating walang makain at payat ng binatilyo ay isa na ngayong bilyonaryo na ang mga tagahanga hindi lang kung sinu-sino. 

Sa tingin ko ay masyado pang maaga upang magkaroon ng documentary film si Pacquiao. Oo't karapat-dapat naman siyang magkaroon nito ngunit naniniwala akong marami pang maipapakita si Pacquiao sa mga tao at ang huling laban na ipinakita sa pelikula ay hindi pa talaga ang huli.


© Wonderspun, Revelin Studios

No comments:

Post a Comment