Search a Movie

Wednesday, January 28, 2015

Solo (2013)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Patricio Ramos, Mario Verón
Genre: Thriller
Runtime: 1 hour, 16 minutes

Director: Marcelo Briem Stamm
Writer: Marcelo Briem Stamm
Production: TLA Releasing, Artymánia, Swift Productions
Country: Argentina


Si Manuel (Patricio Ramos) ay isang guwapong binata na kahihiwalay lang sa kaniyang nobyo. Sa isang gay chatroom ay nakilala niya si Julio (Mario Verón) na katulad niyang bigo rin sa pag-ibig, walang trabaho at mag-isa sa buhay. Nang magkita ang dalawa sa personal ay agad nagkaroon ng sexual attraction sa pagitan ng dalawa at nauwi ang kanilang pagkikita sa one night stand. 

Sa maikling pagsasama ng dalawa, bagamat hindi pa nila pinagkakatiwalaan ang isa't-isa ay agad nakabuo ng relasyon sina Manuel at Julio dahil sa parehong sitwasyon na dinaranas nila. Pareho silang niloko at pinaglaruan ng kanilang minamahal kaya ang dalawa ay agad nagkaintindihan. Sa pagtagal ng kanilang pagsasama, unti-unting namuo ang tiwala sa dalawang binata. Ngunit isa sa kanila ang may itinatagong motibo, sino kina Manuel at Julio ang nagsasabi ng totoo at sino ang nagbibigay ng pawang kasinungalingan lang?

Isang nakakapangilabot ng kuwento ng pag-ibig at panlilinlang mula kay Marcelo Briem Stamm. Ang trailer nito ang nagbigay ng curiosity sa akin upang panoorin ang pelikula, iba kasi ang hatak nito bilang isang gay themed romantic-thriller. Paano kung ang inuwi mo sa iyong bahay ay may iba pa palang motibo? Paano mo ito matatakasan? Bagay na bagay ang tema nito para sa mga bading na naghahanap ng panandaliang aliw lang dahil nakakapangilabot ngang isipin na maaari itong mangyari sa tunay na buhay.

Ngunit dahil din sa trailer kung kaya naging dragging ang pelikula. Alam mo na kasi kung ano ang susunod na mangyayari kaya naging boring ang unang parte. Mabagal ang usad ng istorya at pinuno pa ito ng mga nakakainip na bed scenes kaya minsan, mas hinihintay mo na lang kung may frontal ang mga bida o wala. (May mahabang frontal)  

Pero ang trailer din ang naging dahilan kung bakit mas naging unexpected ang twist nito sa dulo. Dahil inaasahan mo na ang mga kaganapan, hindi mo aakalain ang biglang liko nito bago matapos ang pelikula. Gayunman, may trailer man o wala, mauuwi parin ito sa isang nakakainip na simula at pasabog na katapusan.


© TLA Releasing, Artymánia, Swift Productions

No comments:

Post a Comment