★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: James Franco, Seth Rogen
Starring: James Franco, Seth Rogen
Genre: Comedy, Action
Runtime: 1 hour, 52 minutes
Director: Seth Rogen, Evan Goldberg
Writers: Seth Rogen, Evan Goldberg, Dan Sterling
Production: Columbia Pictures, LStar Capital, Point Grey Pictures
Country: USA
Si Dave Skylark (James Franco) ay host ng isang sikat na celebrity tabloid TV show na "Skylark Tonight". Matapos nilang i-celebrate ang ika-1,000th episode ng kanilang show ay nalaman nilang masugid palang tagasubaybay ng Skylark Tonight ang lider ng North Korea na si Kim Jong-un (Randall Park). Dito naisipan ni Aaron Rapoport (Seth Rogen), ang producer ng show, na kunin ang pagkakataong ito upang makapanayam ang sikat na diktador at para maipakita sa iba na isa rin silang lehitimong mamamahayag.
Nang malaman ng CIA ang planong interview para kay Kim Jong-un ay agad nakipag-ugnayan si CIA Agent Lacey (Lizzy Caplan) kina Skylark at Rapoport para sa binabalak nilang coup d'état. Gagamitin nila ang interview na ito upang bigyang-wakas ang buhay ng pinuno ng North Korea at ang tanging makakagawa lang nito ay si Skylark mismo na siyang makakapanayam ni Jong-un.
Maganda ang simula ng pelikula, nakakatawa ang mga one-liner dito ni James Franco ngunit pagdating sa ikalawang bahagi ay naging cheesy na ang mga sumunod na eksena lalo na sa parte na nasa North Korea na ang dalawang bida. Masyadong ginawang katatawan ang mga Koreano dito kaya umapaw ang kakornihan sa dulo at imbes na matawa ay mapapataas ka na lang ng kilay sa pinapanood mo.
'Wag ka nang umasa ng isang intelihenteng istorya sa mga pelikulang tulad nito. Bago mo pa man ito simulan, dapat ay mababa na ang ekspektasyon mo dahil doon mo lang ikakatuwa ang mga ganitong klase ng palabas. Maraming may ayaw kay Franco dito dahil daw sa nakakayamot ang karakter niya pero para sa akin, iyon talaga ang dahilan kung bakit nakakatawa ang papel niya. Sa katunayan, mas nagustuhan ko siya kesa kay Rogen na madaling makalimutan ang naging karakter.

© Columbia Pictures, LStar Capital, Point Grey Pictures
No comments:
Post a Comment