Search a Movie

Thursday, January 15, 2015

Con Air (1997)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Nicolas Cage, John Cusack, John Malkovich
Genre: Action, Crime, Thriller
Runtime: 1 hour, 55 minutes

Director: Simon West
Writer: Scott Rosenberg
Production: Touchstone Pictures, Jerry Bruckheimer Films
Country: USA


Kapag pinagsama-sama sa iisang eroplano ang mga notorious na killer, rapist at magnanakaw, isa lang ang ibig sabihin nito: gulo.

Walong taon matapos makulong dahil sa hindi sinasadyang pagpaslang sa isang lasing na nais humalay sa kaniyang asawang nagdadalang-tao ay makakatanggap na rin ng parole si former Army Ranger Cameron Poe (Nicolas Cage). Ngunit bago makamit ang inaasahang paglaya ay kailangan muna niyang lumipad patungo sa Alabama sakay ang C-123K Jailbird kung saan nakasakay din ang mga notorious na kriminal sa bansa. Kabilang sa mga sakay ng transport prison aircraft na ito ay ang criminal mastermind na si Cyrus Grissom (John Malkovich) o mas kilala bilang "Cyrus the Virus", Nathan "Diamond Dog" Jones (Ving Rhames) na isang gangster at miyembro ng Nation of Islam at ang mass murderer na si William "Billy Bedlam" Bedford (Nick Chinlund). 

Paglipad pa lang ng kanilang sinasakyang eroplano ay agad nang nagsimula ang mga preso sa kanilang planong pagtakas. Nawalan ng kontrol ang mga opisyal sa loob ng eroplano hanggang sa mamalayan na lang ni Cameron na ang mga kasamahan niyang preso na ang may hawak ng buong eroplano. Upang hindi maunsyami ang paparating na kalayaan ay lihim siyang nakipag team-up kay US Marshal Vince Larkin (John Cusack) na siyang namamahala sa paglipat ng mga preso sa Supermax Prison. 

Fan ako ng mga pelikula kung saan ang buong kuwento ay naganap sa iisang lokasyon lang. Ang akala ko dito sa Con Air, sa eroplano lahat mangyayari ang buong istorya ngunit nagkamali ako. Ang inaasahan kong aksyon sa himpapawid na katulad sa Snakes on a Plane o kahit Non-Stop ay hindi nangyari. Ngunit kung gaano katahimik ang mga kaganapan sa loob ng eroplano, kabaliktaran naman nang makarating na sila sa lupa dahil doon nangyari lahat ng aksyon. 

Punong-puno ng aksyon ang last half ng pelikula hanggang sa umabot sa puntong nawalan na ng lohika ang mga sumunod na eksena. Mula sa biglaang pagsulpot ng mga naglalakihang baril hanggang sa katangahan ng mga opisyal, mapapa-WTF ka na lang sa dulo pero kahit ganoon, hindi mo na ito aalalahanin pa dahil ayaw mong maiwan sa maaksyong labanan.

Satisfying naman ang palabas dahil nauwi ito sa happy ending sa kabila ng mga nagsulputang plot holes. Maayos din naman sina Cage, Cusack at Malkovich sa kanilang mga role lalo na si Malkovich. Maganda ito para sa mga naghahanap ng action-packed na pelikula kahit na nagkulang ng matinong kuwento.


© Touchstone Pictures, Jerry Bruckheimer Films

No comments:

Post a Comment