Search a Movie

Wednesday, January 28, 2015

Remember Sunday (2013)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Zachary Levi, Alexis Bledel
Genre: Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 36 minutes

Director: Jeff Bleckner
Writer: Michael Kase
Production: Hallmark Hall of Fame Productions
Country: USA


Sigurado akong 50 First Dates ni Adam Sandler ang unang maiisip mo tungkol sa pelikulang ito kung saan ang bidang si Gus (Zachary Levi) ay may sakit na brain aneurysm, hindi na niya magamit ang kaniyang short term memory kaya lahat ng mga bagong kaalaman at kakilala ay hindi na niya maaalala kinabukasan. Male version ni Lucy Whitmore? May ilang pagkakatulad ang dalawa pero more on after 50 First Dates na ang tinahak ng kuwento nitong Remember Sunday.

Si Gus ay makikilala ni Molly (Alexis Bledel), isang student-waitress na hirap sa paghahanap ng kaniyang Mr. Right. Kay Gus makikita ni Molly ang isang perpektong Mr. Right ngunit ang hindi niya alam, ang inaasahang niyang perpektong lalaki ay hindi pala kasing-perpekto ng kaniyang inaakala.

Maganda ang chemistry nila Levi at Bledel. Ang problema nga lang ay hindi maganda ang pagkakagawa sa kanilang mga characters. Kinailangan pa kasing gawin estupido ang mga karakter nila para lang makabuo ng conflict na minsan ay nakaka-buwisit para sa isang manonood. Hindi na rin bago ang mga romantic scenes na ginamit ngunit maganda ang inilapat na soundtrack sa buong pelikula.

Hindi rin masyadong na-emphasize ang "remember sunday" na ilang beses lang yatang binanggit sa buong pelikula. Dito dapat iikot ang kuwento ngunit sayang at hindi siya nabigyan-diin. Ang isa pang problema ay nakulangan ako sa revelation scene, matapos ang lahat ng nangyari ay inaasahan mong isang at least a bit dramatic na eksena ang makikita mo kapag nalaman na ni Molly ang sakit ni Gus pero parang wala lang, parang nalaman lang niyang may sipon ang lalaking mahal niya.


© Hallmark Hall of Fame Productions

No comments:

Post a Comment