Search a Movie

Sunday, January 11, 2015

Oggy and the Cockroaches: The Movie (2013)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Hugues Le Bars
Genre: Animation, Comedy, Family
Runtime: 1 hour, 20 minutes

Director: Olivier Jean-Marie
Writer: Olivier Jean-Marie
Production: Xilam, France 3 Cinéma
Country: France


Kung ika'y bata na mahilig sa mga palabas na tulad ng Tom & Jerry o kaya'y Looney Tunes, siguradong papasa rin ito sa iyong panlasa, ganun din siguro sa mga adults na young at heart pero kung katulad mo ako na mas nasisiyahan sa panonood ng anime kumpara sa cartoons ay hindi mo ito matitipuhan.

Nahahati ang pelikula sa apat na panahon: Ang Pre-historic, Middle Ages, Victorian at ang future. Sa Pre-historic, iikot ang kuwento nito kay Oggy na lumaking may takot sa apoy simula nang ma-diskubre ito ng mga sinaunang tao. Isang araw, napagdiskitahang nakawin ng mga kontrabidang ipis (Joey, Mark, Dee-Dee) ang natatanging apoy sa kanilang lugar ngunit dahil sa pakikipag-agawan ay namatay ito ng hindi sinasadya. Dahil dito, kinakailangang harapin ni Oggy ang takot niya sa apoy upang maibalik ang apoy ng kanilang lugar. Kasama si Jack ay sabay nilang tinungo ang isang aktibong bulkan upang kumuha ng apoy.

Sa pangalawang kuwento, si Oggy ay isang lampang prinsipe kung saan mas gugustuhin pa niyang magburda sa kaniyang silid kaysa sa sumakay sa kabayo at makipaglaban sa mga dragon. Dahil dito ay nag-aalangan ang hari na ibigay ang trono sa kaniya. Nang mapadpad si Oggy sa kagubatan ay nakilala niya si Olivia. Hindi naglaon ay napagpasyahan niyang pakasalan ito ngunit nang malaman ng mga ipis ang planong ito ni Oggy ay dinukot nila si Olivia upang makaharap ang hari.

Sa Victorian era naman ay detectives ang trabaho nila Oggy at Jack kung saan iimbistigahan nila ang isang ninakaw na artifact na pagmamay-ari ni Olivia. Ang pang-huling kuwento ay tungkol naman sa future kung saang ibinatay ito sa pelikulang Star Wars.

Ang pinagkaiba lang siguro ng pelikulang ito sa karaniwang napapanood natin sa telibisyon ay mas mahaba at mas maganda ang flow ng istorya dito. Maganda rin na may iba't-ibang setting ng bawat kuwento sa pelikula hindi katulad ng nakasanayan sa TV na sa bahay lang kalimitang nagaganap ang mga palabas.

Katulad ng sinabi ko, mas ma-appreciate mo ang pelikulang ito kapag ika'y bata pa o young at heart. Puwede itong gawing pampalipas oras dahil maganda naman ang graphics lalo na sa parte ng Star Wars pero kung hindi ka mahilig sa mga bangayan kung saan ang disgrasya ay ginawang katatawanan tulad ng tipikal na Tom and Jerry stories ay huwag mo nang subukang silipin pa palabas na ito.


© Xilam, France 3 Cinéma

No comments:

Post a Comment