Search a Movie

Friday, January 9, 2015

White Chicks (2004)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Shawn Wayans, Marlon Wayans
Genre: Comedy, Crime
Runtime: 1 hour, 49 minutes

Director: Keenen Ivory Wayans
Writers: Keenen Ivory Wayans, Shawn Wayans, Marlon Wayans
Production: Wayans Bros Entertainment, Revolution Studios, Gone North Productions
Country: USA


Dahil sa isang palpak na misyon ay nauwi muna sa pagiging bodyguard nsa anak ng isang tycoon ang FBI Agents na sina Kevin (Shawn Wayans) at Marcus Copeland (Marlon Wayans). Ang trabaho nila ay bantayan ang spoiled-brat na Wilson sisters, Brittany (Maitland Ward) at Tiffany (Anne Dudek), mula sa isang posibleng kidnapping. Habang papunta sa Hamptons, isang weekend fashion event, ay nagkaroon ng gulo sa loob ng kanilang sasakyan dahilan upang magasgasan at magkasugat-sugat ang mukha nina Brittany at Tiffany. Dahil sa nangyaring ito ay hindi na nagtuloy pa ang dalawa sa Hamptons. Sa takot na baka malaman ng kanilang boss na sila'y bigo na naman sa kanilang misyon ay nakaisip ng idea ang dalawang agents, ang magpanggap bilang sina Brittany at Tiffany.

Sa panahon ngayon na pati simpleng nose lift ay agad napapansin ng ilan ay tila imposibleng paniwalaan ang pagiging inosente ng mga tao sa pelikulang ito tungkol sa pagpapanggap ng ating mga bida lalo na't pinasok nila ang mundo ng mga babaeng metikuloso pagdating sa kagandahan. Ngunit dahil pelikula ito at minsan bilang manonood ay kailangan nating bumagay at sumunod sa mga patakaran ng pinapanood natin ay siguro maaari nating palampasin ang kakaibang pangyayari na ito.

Hindi ko aakalaing magugustuhan ko ang pagpapatawa ng palabas na ito. Hindi ako fan ng slapstick humor ngunit may kakaibang paraan sina Shawn at Marlon upang kunin ang kiliti ng mga manonood. May mga oras na nakakairita ang katangahan ng dalawang bida ngunit enjoy parin naman silang panoorin lalo na't naipapasilip nila ang hindi man buo ngunit kaunting parte na mundo ng mga kababaihan, ang mga ginagawa nila na hindi karaniwang ginagawa at nararanasan ng mga kalalakihan tulad ng shopping, slumber party at pati ang ginagawa catcalling ng mga kapwa nilang lalaki sa mga magagandang dilag.

Simple lang ang kuwento nito kung tutuusin ngunit siguradong mag-iiwan ito ng tatak sa mga manonood. Purong katatawanan at kulitan na hinaluan ng kaunting aksyon, ito ang mga palabas ng bagay sa mga taong naghahanap ng pantanggal stress, hindi kinakailangan ng masusing panonood, just sit back, relax and enjoy.


© Wayans Bros Entertainment, Revolution Studios, Gone North Productions

No comments:

Post a Comment