7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Mark Wahlberg, Michael Peña
Genre: Action, Crime
Runtime: 2 hours, 4 minutes
Director: Antoine Fuqua
Writers: Stephen Hunter (novel), Jonathan Lemkin
Production: Paramount Pictures, Di Bonaventura Pictures, Grosvenor Park Impact Productions
Country: USA
Matapos iwan mag-isa sa gitna ng digmaan ng walang tulong mula sa mga kasamahan at mawalan ng magaling na spotter at matalik na kaibigan ay tahimik na umalis sa trabaho at nanirahan si Sergeant Bob Lee Swagger (Mark Wahlberg) sa lugar na malayo sa kabihasnan kasama ang kaniyang alagang aso. Isa si Bob sa mga kilalang sniper dahil sa galing nito sa pagpuntirya ng target kahit isang milya pa ang layo nito ngunit dahil sa nangyari sa kaniya at ng kaibigan niya ay tuluyan na niyang nilayuan ang ganitong tipo ng trabaho.
Pagkalipas ng tatlumpu't-anim na buwan ay nilapitan siya ni Colonel Isaac Johnson (Danny Glover) upang magpatulong sa isang sikretong misyon kung saan nakasalalay ang kaligtasan ng Presidente ng kanilang bansa. Nakatanggap daw sila ng babala na isang tangkang pagpatay sa Presidente ang magaganap sa tatlong posibleng lokasyon. Ang kailangan ngayong gawin dito ni Bob ay ang makipag-tulungan sa gobyerno upang mapigilan ang gagawing pagpatay na ito.
Pumayag si Bob na makipagtulungan ngunit huli na bago niya malaman na ang lahat ng ito ay isa lang palang set-up upang sa kaniya maibaling ang kasalanan para sa assasination ng Presidente. Gamit ang kaniyang talento sa mga baril, nasa kaniya na ngayon kung papaano niya malilinis ang kaniyang pangalan laban sa mga sabuwatan ng mga nakatataas.
Isa itong pelikula na puno ng aksyon, barilan at literal na pasabog. Magaling ang pagganap dito ni Wahlberg bilang Bob Lee Swagger, katulad ng apelyido niya, punong-puno ng ka-astigan ang kaniyang karakter na hindi ka na mababahala pa sa mga susunod na pangyayari dahil alam mong madiskarte siya at mahirap talunin kaya ang tanging gagawin mo na lang ay i-enjoy ang mga aksyon sa pelikula.
Ang problema lang dito ay matapos mong panoorin ang Shooter ay madali lang itong makalimutan dahil sa pagiging tipikal nitong action movie na halos pareho lang din sa ibang pelikula na may parehong genre. Wala itong mga pangyayari na magbibigay tatak sa pelikula maliban na lang sa kaalamang si Wahlberg ang bida rito. Maaaliw ka ng dalawang oras ngunit siguradong sa mga susunod na araw ay malilimutan mo rin ang kuwento nito agad-agad.

© Paramount Pictures, Di Bonaventura Pictures, Grosvenor Park Impact Productions
No comments:
Post a Comment