5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Drake Bell, Andrew Caldwell, Kevin Covais
Genre: Comedy
Runtime: 1 hour, 34 minutes
Director: Deb Hagan
Writer: Dan Callahan, Adam Ellison
Production: Element Films, LIFT Productions
Country: USA
Astig. Ito rin ang unang pumasok sa isip ko noon tungkol sa kolehiyo bago ko pa man iwan ang hayskul. Dito natin unang mararanasan ang mahiwalay sa mga magulang, manirahan mag-isa kung saan nabibigyan tayo ng pagkakataong gawin ang mga hindi natin magawa noong nasa hayskul pa lamang tayo. Katulad ko, ganito rin ang nasa isip ng magkakaibigang sina Kevin Brewer (Drake Bell), Carter Scott (Andrew Caldwell) at Morris Hooper (Kevin Covais). Kasalukuyang nasa huling taon na sila ng hayskul nang maisipan nilang tikman ang mundo ng kolehiyo.
Matapos hiwalayan ng nobya dahil daw sa pagiging boring ay pumayag si Kevin sa plano ni Carter na magpunta sa isang college campus upang subukan ang buhay ng isang kolehiyo, ang gabi-gabing party kung saan libre ang mga alak at iba't-ibang mga babae. Dahil dito ay napilitan ding sumama ang kaibigan nilang si Morris ngunit ang inaasahan nilang fun weekend ay nauwi sa kamalasan nang tumira sila sa isang fraternity house kung saan silang tatlo ang ginawang pledges kapalit ng libreng access sa mga fraternity parties.
Hindi na bago ang kuwentong tulad nito, halos wala ka nang makikitang bago sa kabuuan ng pelikula dahil lahat ng mga eksena dito ay maaaring nakita mo na sa ibang pelikula. Totoo ngang malaki ang pagkakahawig nito sa Superbad (2007), ang mga karakter pati na rin ang istorya. Mga binatilyong gustong maranasan ang karaniwang ginagawa ng mga binata, ang maglasing, magpakasaya at magpakasasa sa mga babae ngunit sa huli, mauuwi lang din ang mga kagustuhang ito sa kabiguan.
Puno ng kagaguhan, mga hubad na babae, bidang 'di ginagamit ang utak at mga walang saysay na eksena. Ngunit kahit papaano, may kaunting saya parin namang dulot ng pelikulang ito, konti nga lang.
Puno ng kagaguhan, mga hubad na babae, bidang 'di ginagamit ang utak at mga walang saysay na eksena. Ngunit kahit papaano, may kaunting saya parin namang dulot ng pelikulang ito, konti nga lang.
© Element Films, LIFT Productions
No comments:
Post a Comment