Search a Movie

Tuesday, January 20, 2015

Mayohan (2010)

7 stars of 10
★★★★★★★☆☆☆


Starring: Lovi Poe, Elijah Castillo
Genre: Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 40 minutes

Director: Dan Villegas
Writer: Paul Sta. Ana
Production: Cinemalaya, Alpha Dog Productions
Country: Philippines


Tuwing Mayo ipinagdiriwang ang buwan ng Birheng Maria. Sa baryo ng Infanta, Quezon taunang ginaganap ang mga padasal, Santacruzan at ang pasayaw. Sa paraan na ito kasi nagpapasalamat ang mga mamamayan ng Infanta sa kanilang masaganang ani. Kasama ang mga kaibigan ay araw-araw nagso-solisit si Lilibeth (Lovi Poe), ang labinsiyam na taong gulang na dalagang namumuno para sa pasayaw sa taong ito, sa mga kalalakihan ng kanilang lugar para sa paparating na pasayaw na magaganap sa katapusan ng buwan kung saan nabibigyang pagkakataong isayaw ng mga lalaki ang mga dalaga sa kanilang baryo.

Sa taong ito, mula sa Cubao ay umuwi sa kanilang probinsya si Nino (Elijah Castillo), labintatlo, kasama ang kaniyang tiyahin upang saksihan ang Mayohan. Sa kaniyang mga unang araw sa probinsya ay nahirapan pa ito sa pag-adjust sa bagong kapaligiran ngunit kalaunan ay nasanay din siya sa buhay probinsya lalo na nang makilala niya si Lilibeth. Anim na taon ang pagitan ng edad ng dalawa ngunit dagli din silang nagkaunawaan at naging magkaibigan.

Simple lang ang kuwento ng Mayohan. Tinatalakay nito ang 'first love' na siyang parte ng pagbibinata. Kung tutusin isa lang itong simpleng coming of age na pelikula kung hindi lang dahil sa kabalintunaan ng pelikula. Naipakita ni Dan Villegas ang simpleng paraan ng pamumuhay sa probinsya, ang mga kanilang kaugalian katulad ng pagno-novena, ang mga 'chismisan' tuwing hapon, at kung ano pa. Ngunit sa kabila nito, nagawa ding maipakita ni Paul Sta. Ana sa pamamagitan ng kaniyang kuwento ang kaibahan ng tipikal na ugaling probinsya noon sa probinsya ngayon. Sa kuwento, si Nino na nagmula sa siyudad pa ang mas may inosenteng pananaw sa buhay kumpara sa probinsyanang si Lilibeth na naranasan na ang lahat ng pasakit sa buhay at nais nang lumayas sa mundong kaniyang kinagisnan.

Karapat-dapat si Lovi Poe para sa best actress award na nakuha niya rito dahil nagampanan niya ng maigi ang papel ng dalagang mabait at mahinhin, isang tipikal na probinsyana ngunit nagawa din niyang ipakita ang isa pang
mukha ng kaniyang karakter na kontra sa kaniyang panlabas na anyo. Nailarawan nila na hindi na ganoon ka-inosente ang mga probinsyano katulad ng mga stereotype na napapanood natin sa ibang pelikula. 

Nahirapang habulin ni Elijah ang galing ni Lovi gayunpaman ay maayos parin naman niyang nagampanan ang kaniyang role. 


© Cinemalaya, Alpha Dog Productions

No comments:

Post a Comment