Search a Movie

Wednesday, January 21, 2015

Pompeii (2014)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Kit Harington, Emily Browning
Genre: Action, Adventure, Drama
Runtime: 1 hour, 45 minutes

Director: Paul W.S. Anderson
Writers: Janet Scott Batchler, Lee Batchler, Michael Robert Johnson
Production: Constantin Film, Impact Pictures, Don Carmody Productions
Country: Canada, Germany


Ang naganap na pagsabog ng Mount Vesuvius noong AD 79 sa panahon ng Roman Empire ang naging inspirasyon nitong pelikula kung saan, katulad ng nangyari noon, ay sumira sa buong bayan ng Pompeii. Kung istrikto ka pagdating sa history ay sigurado akong hindi mo mai-enjoy itong pelikula dahil balita ko'y malayo ang mga naging detalye ng pelikula sa katotohanan ngunit kung ang hanap mo naman ay pure entertainment, pasado na ang palabas nito.

Iikot ito sa kuwento ng buhay ni Milo (Kit Harington) na simula nang patayin ng mga Romans ang kanilang buong tribo kasama na ang kaniyang ina ay namuhay na bilang isang alipin. Ang galing niya bilang gladiator ang naging kasangkapan niya upang mapunta siya sa Pompeii kung saan ilalaban siya sa ilang mga gladiator battles. 

Sa Pompeii rin makikilala ni Milo si Cassia (Emily Browning), ang anak ng pinuno ng Pompeii na umuwi matapos manirahan sa Roma ng isang taon. Ang dahilan kung bakit niya iniwan ang Roma ay upang takasan ang Senador na si Corvus ngunit maging sa Pompeii ay sinundan siya nito. Sa pagdating ni Milo sa Pompeii, siya ang magsisilbing knight in shining armor ni Cassia ngunit ang estado ng kanilang buhay parin ang siyang susubok sa kanilang pag-iibigan.

Sinimulan ni Anderson ang pelikula sa isang quote mula kay Pliny the Younger na sinamahan ng isang magandang scoring. Sa opening scene pa lang ay makukuha na agad nito ang atensyon mo. Makikita mo agad kung gaano ka-brutal ang mga eksena at na-maintain nila ito hanggang sa dulo kaya sa buong palabas ay makakaasa ka ng malalaman na action scenes sa pagitan ng ating bida at sa mga kaniyang makakatunggali.

Padating naman sa kuwentong pag-ibig, isang binata na namuhay bilang alipin at lumaki bilang isang matipunong manlalaban na umibig sa isang dalaga na mula sa isang mataas na pamilya, perfect para sa isang mahirap-mayaman na kuwentong pag-ibig. Cliché man na maituturing ngunit sa isang tulad ni Harington at Browning na perfect din sa kanilang kaniya-kaniyang roles ay hindi mo na ito iisipin pa. 

Wala ring masyadong maipipintas sa visual effects dahil maayos itong nailapat mula sa tsunami hanggang sa pagsabog ng bulkan, maganda rin ang costumes at ang set. Ang tanging downside lang nito ay ang conclusion na medyo nakakadismaya. I mean, okay lang sa akin kahit na sumalungat sila sa realidad kahit na sa ending lang dahil mahirap magala-Titanic at Romeo and Juliet kung hindi bagay sa naging kuwento.


© Constantin Film, Impact Pictures, Don Carmody Productions

No comments:

Post a Comment