7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Manuel Vignau, Mateo Chiarino
Genre: Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 42 minutes
Director: Marco Berger
Writer: Marco Berger
Production: La Noria Cine, Universidad del Cine
Matapos mamatay ang lola na siyang nagpalaki sa kaniya ay bumalik si Martin (Mateo Chiarino) sa dati niyang bayan kung saan siya ipinanganak upang manirahan kasama ang kaniyang tiyahin ngunit nang makarating siya doon ay saka lang niya nalamang lumipat na pala ng tirahan ang kaniyang tiya. Dahil sa kawalan ng sapat na pera at wala nang iba pang matuluyan ay napilitang tumira si Martin sa bakanteng lote sa likod ng isang abandonadong gusali. Naghanap ng mga simpleng trabaho si Martin sa mga kabahayan na siyang sumagot sa araw-araw niyang pagkain hanggang sa isang araw ay matagpuan niya ang kaniyang kababatang si Eugenio (Manuel Vignau), isang baguhang manunulat na mag-isang nakatira sa bahay ng kaniyang tiyuhin.
Noong una ay walang mai-alok na trabaho si Eugenio kay Martin ngunit nang makilala niyang ito ang dati niyang kababata ay agad niyang tinanggap ang binata upang magtrabaho sa kaniyang bahay. Isang araw, nalaman ni Eugenio na sa likod ng isang abandonadong gusali lang nakatira si Martin kaya kinumbinsi niyang sa bahay na muna niya ito tumira habang nagta-trabaho sa kaniya.
Tahimik ang pelikulang ito, kaunti lang ang mga karakter at wala masyadong dialogue ngunit sa kabila ng kakulangan ng dialogue ay bumawi naman sila sa galing ng mga nagsiganapang aktor. Hindi na kailangan pang magsalita ng mga bida dahil sa tingin at sulyap pa lang nila ay naipapakita na nila ang gusto nilang sabihin. Ang mga kaunting detalye tulad ng pagtango, maging ang pagngiti at galaw ng mga mata ay may ipinaparating nang mensahe sa mga manonood. Lahat ng mga galaw ay may nilalaman, ito ang maganda sa pelikula, habang ikaw ay nanonood ay pinapagana rin nito ang utak mo. Kung titignan ay isang simpleng Eugenio at Martin lang ang nasa pelikula ngunit kapag susuriing mabuti, may mas malalim pang kuwento sa pagitan ng dalawa.
Isa itong gay-themed love story at kung hindi ka sanay sa mga istoryang tulad nito ay mahihirapan kang makita ang kagandahan ng pelikula ngunit kung bibigyan mo naman ito ng pagkakataon siguradong isang makabuluhang kuwento ang iyong mapapanood.
©La Noria Cine, Universidad del Cine
No comments:
Post a Comment