★★★★★★★★★ ☆
Starring: Henry Fonda, Lee J. Cobb, E.G. Marshall
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 36 minutes
Director: Sidney Lumet
Writer: Reginald Rose
Production: Orion-Nova Productions
Country: USA
Jury ang isa sa mga pinakamahalagang tao sa korte, sila ang nagbibigay pasya kung guilty ba o hindi ang isang nasasakdal base sa mga ebidensiyang nakalap ng bawat kampo. Sa mga pagkakataong ito, sila ang may hawak sa buhay ng isang taong maaaring maharap sa mandatory death sentence kung sakaling lahat sila ay nagkaisa sa botong guilty.
Ganito ang kaso ng 12 Angry Men kung saan isang labinsiyam na taong gulang na binatilyo ang nahaharap sa kaso ng pagpaslang sa kaniyang ama. Matapos mailapat lahat ng ebidensya ay nasa kamay na ng labindalawang hurado ang desisyon kung siya ba ay matutuloy sa silya elektrika o hindi. Sa pagtitipun-tipon ang mga hurado ay hindi na nila pinag-isipan pa ang kanilang desisyon at agad silang bumoto ng guilty maliban sa isa. Si Juror #8 (Henry Fonda) ay naniniwalang hindi dapat pinagdedesisyunan ng limang minuto lang ang buhay ng isang tao. Humingi ito ng ilang oras pa upang pagdiskusyunan muna nila ng kaniyang mga kasama ang kaso at sa pagpapatuloy ng kanilang pagtatalo, mula sa guilty ay isa-isang nabago ang pasya ng mga hurado.
Isang salita na tanging masasabi ko sa pelikulang ito ay napakatalino. Hanga ako sa galing ni Sidney Lumet sa paggawa ng pelikulang hindi na nangangailangan ng engrandeng set o magandang costume designs, isang silid lang na puno ng labindalawang magagaling na aktor ay sumapat na upang makabuo ng isang obra maestra. Kung iisipin tila nakakayamot manood ng isang palabas kung saan puro debate ang matutunghayan, dumagdag pa rito ang pagiging black and white nito na sa totoo lang, para sa akin ay ang mas nagpaganda pa sa pelikula. Ang lahat ng ito ay nagawan ng paraan ni Lumet upang maging kapana-panabik ang simpleng kuwento na sa isang silid lang umiikot.
Ang conflict sa pagitan ng mga karakter at ang iba't-ibang ugali ng mga ito ang tumulong sa pagbuo ng pelikula, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mapapakapit ang isang manonood hanggang sa huli. Ang mga emosyon at tensyon sa pagitan ng mga hurado ang nagbigay thrill sa palabas lalo na nang sinimulang ungkatin ng karakter ni Henry Fonda ang misteryong nakakabit sa buong kaso. Para kang nanonood ng isang pinagaan na detective film. At habang nanonood ka ay animo isa ka sa mga hurado na hindi makapag-desisyon kung anong pasya ang ipapataw sa nasasakdal dahil maski ikaw na nanonood ay mapapaisip kung alin ba ang totoo.
Isang klasikong pelikula na hindi dapat palampasin ng mga taong naghahanap ng simple ngunit may kalidad na kuwento. Hindi ka mayayamot at siguradong ang isa't kalahating oras na panonood mo ay hindi mauuwi sa wala.

© Orion-Nova Productions
No comments:
Post a Comment