Search a Movie

Thursday, January 1, 2015

My Lady Boss (2013)

4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Marian Rivera, Richard Gutierrez
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 46 minutes

Director: Jade Castro
Writer: Annette Gozon-Abrogar
Production: GMA Films, Regal Films
Country: Philippines


Si Evelyn Valejo Lontoc (Marian Rivera) aka EVL o mas kilala sa tawag mula ng kaniyang mga katrabaho bilang evil 666 ay brand manager ng isang kumpanya na seryoso sa trabaho at may istriktong pag-uugali dahilan upang kainisan siya ng kaniyang mga ka-opisina. Nang maghanap siya ng assistant brand manager ay doon naman pumasok sa buhay niya si Zach Rhys Estrella (Richard Gutierrez), binatang may pagka-sutil na mula sa isang mayamang pamilya at nangangailangan ng matinong trabaho upang mapatunayan sa kaniyang lolo na isa na siyang matinong apo.

Kahit magkasalungat ang personalidad ay napilitang kunin ni Evelyn bilang assistant si Zach dahil lang sa pagkakaroon nito ng "good looks" upang ipantapat sa mayabang at pogi din nilang karibal na brand manager na si Henry Posadas Fonte (Rocco Nacino). Sa pagdating ni Zach sa team nila Evelyn ay dito magsisimula ang mga pagbabago sa ugali ng kanilang boss at sa pagtagal ng kanilang pagsasama ay unti-unting magkakagaanan ng loob ang dalawa hanggang sa mapagtanto nilang mahal na pala nila ang isa't-isa.

Maganda ang chemistry nila Rivera at Gutierrez noon sa romantic-comedy movie nilang My Best Friend's Girlfriend (2008) ngunit matapos ang limang taon ay hindi na nila nadala ang on-screen chemistry na ito sa My Lady Boss. Wala pa rin talagang maaasahan sa acting skills ni Gutierrez, hindi parin niya kayang ibigay ang tamang emosyon ng ginagampanan niyang papel. Sa kabilang banda naman, kung walang emosyon si Gutierrez dito ay kabaliktaran naman si Rivera dahil masyadong umapaw ang pagganap niya bilang Evelyn hanggang sa nagiging overacting na siya sa pagpapatawa. 

Hindi ko rin maintindihan kung ano ang tunay na personalidad dito ni Evelyn, kung istrikto talaga siyang boss ay hindi ito masyadong naipamalas sa pelikula maliban na lang sa ilang pagtataray nito sa pagiging late ng mga empleyado niya. Gustong ipakita ng pelikula na isang manang at boring na tao si Evelyn at sa trabaho at pamilya lang umiikot ang buhay niya pero hindi iyon naisagawa ng maayos dahil sa pabagu-bagong ugali niya sa bawat eksena. Kung istrikto siya sa opisina, pagdating sa bahay ay mabait at maaalahanin siyang kapatid at anak. Sa kaniyang lovelife naman, doon makikita ang pagka-manang at boring niya ngunit tuwing kasama niya si Zach ay doon naman lumalabas ang malanding side niya. Bilang isang manonood ay nakakalitong panoorin ang isang karakter na tila may multiple personalities. Kung iyon man ang tinatawag nilang character development ay hindi maganda ang pagkakasulat nila sa karakter nito.

Pagdating naman sa kuwento ng istorya, malapit nang matapos ang pelikula ay hindi mo pa alam kung tungkol saan ang pinapanood mo. Para bang walang patutunguhan ang istorya nito. Tila ba ang tanging ginawa lang ng direktor at writer ay pagtagpi-tagpiin ang mga kuwentong hango sa iba't-ibang romance stories at parang collage na pinagsama-sama sa isang pelikula.


© GMA Films, Regal Films

No comments:

Post a Comment