Search a Movie

Wednesday, January 14, 2015

The Benchwarmers (2006)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Rob Schneider, David Spade, Jon Heder
Genre: Comedy, Sports
Runtime: 1 hour, 25 minutes

Director: Dennis Dugan
Writers: Allen Covert, Nick Swardson
Production: Revolutions Studios, Happy Madison Productions
Country: USA


Maganda ang mensaheng nais iparating nito sa mga manonood kaso talagang hindi maganda ang pagkakasagawa ng istorya. Nagsimula ito nang masaksihan ni Gus Matthews (Rob Schneider) ang pambu-bully ng mga baseball players sa isang bata sa field. Matapos niyang sitahin ang mga ito ay siya naman ang sumunod na napagdiskitahan. Kasama sina Richie Goodman (David Spade) at Clark Reedy (Jon Heder) na parehong talunan simula noong bata pa ay hinamon ni Gus ang mga batang players sa isang laban kung saan sila ang nanalo pagkatapos.

Si Mel Charmichael (Jon Lovitz), isang bilyonaryo na tampulan din ng tukso noong bata pa ay na-impress sa naging laro ng tatlo. Dito niya naisipang magsimula ng isang round-robin tournament kung saan kalahok ang lahat ng liga sa buong bansa kasama na rito ang grupo nila Gus. Ang mananalo ay mabibigyan ng access sa multi-million dollar baseball park na kaniyang ipinapatayo. Sa kagustuhang bumawi sa sayang naidudulot ng baseball na hindi nila naranasan noong bata pa sila dahil sa pambu-bully ng iba ay pumayag sina Gus, Richie at Clark sa planong ito ni Mel at doon nabuo ang Benchwarmers.

Hindi na bago ang paraan ng pagpapatawa dito kung saan ang katangahan ang ginawang alas ng pelikula upang patawanin ang mga manonood. Dahil overused na ang mga jokes na ginamit dito, hindi na siya nakakatawa. Hindi rin likable ang mga karakter na kumakain ng kulangot, umuutot sa mukha ng ibang tao at tumatalsik ang laway kapag nagsasalita. Kahit ito ang paraan nila upang magpatawa, mahirap tawanan ang mga ganitong klaseng joke dahil mas mangingibabaw ang pagkadiri.

Kung pamilyar kayo sa mga pelikula ni Adam Sandler (na producer nitong pelikula), alam niyo na ang dapat asahan. 


© Revolutions Studios, Happy Madison Productions

No comments:

Post a Comment