★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Steve Carell, Juliette Binoche
Genre: Comedy, Romance, Drama
Runtime: 1 hour, 38 minutes
Director: Peter Hedges
Writers: Pierce Gardner, Peter Hedges
Production: Touchstone Pictures, Focus Features, Jon Shestack Productions
Country: USA
Sabi nga sa pelikulang Mean Girls, "Ex-boyfriends are just off limits to friends." Tama nga naman, hindi magandang tignan na gawing kasintahan ang ex ng kaibigan mo pero paano na lang kaya kung ex ito ng kapatid mo? Ito ang kuwento ni Dan Burns (Steve Carell), biyudo na may tatlong anak na babae. Isa siyang kolumnista na tagapayo sa mga magulang na problemado sa anak ngunit maski siya ay hindi niya mapayuhan ang sarili pagdating sa pagrerebelde ng kaniyang mga dalaga.
Nang magpunta ang buong pamilya nila sa Rhodes Island, sa tahanan ng kaniyang mga magulang para sa taunang family gathering ng kanilang angkan ay dito nagsimulang magulo ang tahimik na buhay ni Dan. Sa unang araw ng kanilang bakasyon ay may nakilala siyang babae sa isang bookstore kung saan ay napagkamalan siyang isang empleyado. Nag-kuwentuhan ang dalawa, kumain ng agahan at agad na nagkamabutihan.
Pagkauwi ni Dan sa kanilang bahay ay agad niyang ibinalita sa mga kamag-anak niya na may nakilala siyang bagong babae ngunit hindi lang siya ang may dalang balita dahil ang kapatid nitong si Mitch (Dane Cook) ay masaya ring ipinakilala ang kaniyang bagong girlfriend, si Marie Diamond (Juliette Binoche) na coincidentally ang babaeng nakilala ni Dan sa bookstore.
Isa ito sa mga pelikulang karaniwan lang ang kuwento pero nagawan ito ng direktor at writer ng paraan para gawing kakaiba at umangat sa sarili nitong kategorya. Ito yung tipo ng mga palabas na nakakagaan ng pakiramdam kapag pinanood. Simple lang kasi ang mga kaganapan, walang kontrabida, walang mabigat na suliranin, walang exaggerated na pagpapatawa, makatotohanan ang istilo ng pagkakagawa ng pelikula. Mula sa masayahing pamilya hanggang sa rebeldeng anak, lahat ay nangyayari sa tunay na buhay kaya may sense ang kuwento.

Hindi lang ito simpleng romantic-comedy film, hinaluan din ito ng family drama na nagpapakita na hindi sapat ang alam mo lang, minsan kailangan mo rin itong maramdaman.
© Touchstone Pictures, Focus Features, Jon Shestack Productions
No comments:
Post a Comment