Search a Movie

Showing posts with label Classic. Show all posts
Showing posts with label Classic. Show all posts

Wednesday, February 3, 2016

Mad Max (1979)

5 out of 10 stars
★★★★★☆☆☆☆☆

Starring: Mel Gibson, Joanne Samuel, Hugh Keays-Byrne
Genre: Action, Adventure, Sci-Fi
Runtime: 88 minutes

Director: George Miller
Writer: James McCausland, George Miller
Production: Kennedy Miller Productions, Crossroads, Mad Max Films
Country: Australia

Isang matinong pulis si Max Rockatansky (Mel Gibson) na may masayang pamilya at maayos na trabaho, ito'y hanggang sa makadaupang-palad niya ang isang motorcycle gang na "The Acolytes" na unti-unting sisira sa kaniyang disenteng pamumuhay. Nang ma-agrabiyado ay siya naman ngayon ang maghihiganti isa-isa laban sa mga taong sumira ng kaniyang buhay.

Mahirap i-buod ang Mad Max na hindi makapagbibigay ng spoilers lalo na't tungkol sa simpleng paghihiganti lang iikot ang buong kuwento ng pelikula. Ang nasa itaas na siguro ang pinaka maayos na buod na maaari kong ibahagi na hindi nabubunyag ang kabuuan ng pelikula.

Saturday, October 24, 2015

A Clockwork Orange (1971)

8 out of 10 stars
★★★★★★★★☆☆

Starring: Malcolm McDowell, Patrick Magee, Michael Bates
Genre: Crime, Drama, Sci-Fi
Runtime: 136 minutes

Director: Stanley Kubrick
Writer: Stanley Kubrick, Anthony Burgess (novel)
Production: Warner Bros., Hawk Films Limited
Country: UK, USA

Bayolente at imoral, ito ang pelikula kung saan ang bida ay pareho mong kamumuhian at kaaawaan. Si Alex DeLarge (Malcolm McDowell) ay isang binatang nasanay na sa karahasan. Kasama ang kaniyang grupo na tinatawag niyang droogs ay umiikot ang kanilang buhay sa mga krimen tulad ng pambubugbog ng mga inosenteng tao, pamamasok ng bahay, pagnanakaw at panggagahasa. Sa kabila ng pagkakaroon ng karisma ay hindi naging maganda ang pakikitungo ni Alex sa kaniyang mga kasamahan kaya naman ito ang naging dahilan ng kaniyang pagkakulong matapos siyang iset-up ng kaniyang tropa sa isang krimen. 

Sa kulungan, para lang makalabas ay magboboluntaryo si Alex sa isang eksperimento kung saan sasabak siya sa isang aversion therapy na naglalayong tanggalin ang violent side ng kaniyang pagkatao. Ito ay ang magsisilbing sagot sa problema sa krimen ng kasalukuyang lipunan. Nagtagumpay man ang eksperimento ay hindi aayon ang lahat sa inaasahan nilang plano.

Saturday, July 11, 2015

Jaws (1975)

7 out of 10 stars
★★★★★★★☆☆☆

Starring: Roy Scheider, Robert Shaw, Richard Dreyfuss
Genre: Adventure, Drama, Thriller
Runtime: 124 minutes

Director: Steven Spielberg
Writer: Peter Benchley (screenplay & novel), Carl Gottlieb
Production: Zanuck/Brown Productions, Universal Pictures
Country: USA

Ang dagat ang pangunahing negosyo ng isla ng Amity, ito ang dinarayo ng mga turista tuwing tag-init ngunit nang matuklasan ng chief of police na si Martin Brody (Roy Scheider) ang aksidente ng dalagang inatake ng pating ay handa na nitong ipasara ang baybayin. Sa takot na baka masira ang reputasyon ng kanilang isla lalo na't paparating na ang summer season ay pinalabas ni Mayor Larry Vaughn na boating accident ang ikinamatay ng dalaga.

Sa paniniwalang hindi nga pating ang dahilan ng aksidente ay ikinansela ni Chief Brody ang pagpapasara sa dagat. Nagpatuloy ang publiko sa pagbisita rito hanggang sa matunghayan nila mismo ang muling pag-atake ng halimaw na nakatira sa tubig, sa pagkakataong ito ay isang batang lalaki ang nabiktima ng pating. 

Friday, June 26, 2015

The Graduate (1967)

8 out of 10 stars
★★★★★★★★☆☆

Starring: Dustin Hoffman, Anne Bancroft, Katharine Ross
Genre: Comedy, Drama, Romance
Runtime: 106 minutes

Director: Mike Nichols
Writer: Calder Willingham, Buck Henry, Charles Webb (novel)
Production: Lawrence Turman Production
Country: USA

Nang makapagtapos sa kolehiyo ay umuwi si Benjamin Braddock (Dustin Hoffman) sa kanilang tahanan para sa isang selebrasyon na inihanda ng kaniyang mga magulang. Dahil asiwa sa mga taong nagtatanong ng kaniyang plano sa buhay, napilitan itong ihatid pauwi si Mrs. Robinson (Anne Bancroft), ang kaibigan ng kaniyang magulang, sa kanilang bahay.

Lingid sa kaalaman ni Benjamin ay may iba palang plano si Mrs. Robinson kung bakit ito nagpahatid sa binata. Inaya ni Mrs. Robinson sa kanilang bahay si Benjamin at nang makapasok na ito ay nagsimula siyang akitin ni Mrs. Robinson. Nakaiwas si Benjamin sa tukso ngunit lumipas ang ilang araw ay muli siyang nakipagkita kay Mrs. Robinson at doon na nagsimula ang kanilang seksuwal na relasyon.