5 out of 10 stars
★★★★★☆☆☆☆☆
Starring: Zac Efron, Vanessa Hudgens, Ashley Tisdale
Genre: Comedy, Romance, Family, Musical
Runtime: 104 minutes
Director: Kenny Ortega
Writer: Peter Barsocchini
Production: Disney Channel, Salty Pictures, First Street Films
Country: USA
Matapos ang tagumpay ng High School Musical (2006) ay muling nagbabalik ang Wildcats para sa isang sequel. Sa pagkakataong ito ay iikot ang kuwento sa summer vacation ng mga bidang sina Troy Bolton (Zac Efron), Gabriella Montez (Vanessa Hudgens), Sharpay Evans (Ashley Tisdale) at ng iba pang Wildcats.
Dahil bakasyon ay naisipan ni Troy na maghanap ng trabaho upang makapag-ipon para sa kolehiyo. Sa tulong ni Sharpay na kasalukuyang nagpapalipas ng summer sa country club na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay ipinasok nito si Troy sa trabaho. Nang matanggap ay sinubukang kausapin ni Troy ang manager ng club upang ipasok rin ang mga kaibigan niya sa trabaho na napagbigyan naman. Ang hindi nila alam, may ibang plano si Sharpay kung bakit nito ipinasok si Troy sa kanilang club.
Kung sa naunang palabas ay so-so lang ang pagiging kontrabida ni Sharpay, sa pagkakataong ito ay nag-upgrade na ang pagiging mean girl niya. Ngunit ang maganda sa kaniya ay hindi siya bully at dahil sa mga childish na pinaggagagawa niya ay mas naging kaibig-ibig siya kaya madali lang mapatawad pagdating sa katapusan ng pelikula.
Bukod sa karakter ni Sharpay ay nag-improve rin ang acting skills nila Efron at Hudgens. Kaya na ngayong magpakita ng galit ni Hudgens at magpamalas ng ilan pang emosyon ngunit halata parin na may kulang sa kaniya. Kay Efron naman, maayos na ang kaniyang pag-arte at kahit mayroon parin kaunting awkwardness ay umayos na rin ang kaniyang pagsasayaw.
Matapos ang ilang improvements sa pelikula ay may ilan din itong downside. Mas humaba ang kantahan at dahil dito may pagkakataon na nahihirapan ang manonood na sundan ang kuwento dahil ang ilan ay tila isiningit lang na kapag tinanggal ay hindi naman maaapektuhan ang kuwento. Maganda parin naman ang mga kanta at ang choreography ng mga sayaw subalit kung ikukumpara mo ito sa naunang pelikula, walang recall ang ilan dito.
Overall ay maganda parin ang kinalabasan ng High School Musical 2, disente ang kuwento ngunit nagkulang lang ng kaunting wow at kilig factor.
No comments:
Post a Comment