Genre: Comedy, Romance
Runtime: 98 minutes
Director: Michael Dowse
Writer: Elan Mastai, T.J. Dawe (play), Michael Rinaldi (play)
Production: No Trace Camping, Caramel Films, Fastnet Films
Country: Ireland, Canada
The F Word o mas kilala worldwide bilang What If, ang pelikula kung saan muling matatalakay ang katanungan na: "Can men and women be just friends?".
Si Wallace (Daniel Radcliffe) na piniling maging anti-social ng isang taon matapos magdrop-out sa medical school dahil sa bigong pag-ibig ay isang araw nakilala si Chantry (Zoe Kazan), ang pinsan ng matalik niyang kaibigang si Allan (Adam Driver) sa isang party. Nagkaroon ng instant connection ang dalawa at agad nagkamabutihan bilang magkaibigan. Sa pagtagal ng panahon, mas naging malapit pa ang dalawa sa isa't-isa hanggang sa unti-unting nahulog ang loob ni Wallace sa kaibigan sa kabila ng pagkakaroon ni Chantry ng long-time boyfriend.
Sa mga ganitong klase ng kuwento, alam na alam na natin kung saan hahantong ang lahat, kung paano at ano ang mga susunod na mangyayari. Parehong timpla lang ang dala ng What If sa ilang romantic-comedy na palabas pero kahit ganoon, may dulot parin itong saya at kilig sa mga manonood.
Matatawa ka sa mga biro na matalino at hindi pilit, makaka-relate sa mga pangyayari na halos pareho lang sa mga nangyayari sa totoong buhay, mapapa-ibig ka sa magagaling na aktor sa pelikula at paniguradong makiki-simpatya ka sa mga karakter nila. Predictable man ang kuwento ay bibigyan ka parin nito ng magandang oras upang i-enjoy ang pelikula.

No comments:
Post a Comment