6 out of 10 stars
★★★★★★☆☆☆☆
Starring: Margaret Lockwood, Michael Redgrave, Paul Lukas
Dame May Whitty
Genre: Comedy, Mystery, Thriller
Runtime: 96 minutes
Director: Alfred Hitchcock
Writer: Sidney Gilliat, Frank Launder, Ethel Lina White (story),
Alma Reville (story)
Production: Gainsborough Pictures
Country: United Kingdom
Dahil sa isang avalanche ay stranded ngayon si Iris Henderson (Margaret Lockwood), isang turista sa Bandrika, sa isang inn. Kasama ang ilan pang pasahero ay napilitan silang magpalipas ng gabi sa nasabing inn. Dito makikilala ni Iris ang isang dating music teacher na si Miss Froy (Dame May Whitty) at ang musikerong si Gilbert Redman (Michael Redgrave).
Kinaumagahan, bago sumakay sa tren ay aksidenteng tinamaan ng paso sa ulo si Iris. Nasaksihan ito ni Miss Froy kaya tinulungan niya ang dalaga sa pagsakay ng tren at sinamahan ito sa compartment kung saan ito nakaupo kasama ang ibang pasahero. Sa paggising ni Iris mula sa pagkakatulog ay napansin nitong nawawala ang kasama niyang matanda. Nagtanung-tanong siya sa mga katabi niyang pasahero ngunit ayon dito ay wala silang nakikitang matanda na kasama niya. Dito na nagsimulang mataranta si Iris dahil sigurado siyang kasama niya si Miss Froy sa pagsakay ng tren. Sa tulong ni Gilbert ay magkasama nilang sinagot ang misteryo sa likod ng biglaang pagkawala ni Miss Froy.