Search a Movie

Friday, October 20, 2017

The Case for Christ (2017)

Poster courtesy of IMP Awards
© Triple Horse Studios
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Mike Vogel, Erika Christensen
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 52 minutes

Director: Jon Gunn
Writer: Brian Bird, Lee Strobel (book)
Production: Triple Horse Studios, Pure Flix Entertainment
Country: USA


Atheist ang turing ni Lee Strobel (Mike Vogel) sa kaniyang sarili, isang mamahayag na ang tanging pinaniniwalaan ay ang mga katotohanang may kalakip na pruweba. Ngunit nang isang gabing malagay sa panganib ang kanilang panganay na anak ay unti-unting napalapit sa Diyos ang asawa nitong si Leslie Strobel (Erika Christensen).

Sa biglaang pagbabago ng paniniwala ng kaniyang asawa ay nagkaroon ng hindi pagkaka-intindihan sina Lee at Leslie dahilan upang magsagawa ng sariling imbestigasyon si Lee tungkol sa nakaraan ni Hesus mapatunayan lang sa kaniyang asawa na walang katotohanan at kalokohan lamang ang Kristiyanismo. Ngunit sa kaniyang pananaliksik sa milagrong muling pagkabuhay ni Hesus ay mabubuksan ang isip ni Lee sa isang panibagong paniniwala.

Maganda ang naging approach ng pelikula sa pamamagitan ng paggamit ng facts upang patunayan ang pagkakaroon ng Diyos. Hindi katulad sa ibang Christian movie na kinakailangan pang magkaroon ng milagro bago maniwala ang isang atheist, dito sa The Case for Christ ay sinubukan nitong bigyang patunay ang pagiging milagroso ni Hesus sa tulong ng science.

Gayunpaman, para sa akin ay naging boring ang takbo ng istorya nito. Hindi naging interesado ang naging pangangalap ng bida sa mga hinahanap nitong facts. Para sa isang may paniniwala na sa Panginoon ay hindi na gaanong impressive ang mga ibinulgar sa palabas. Malamang mapapaisip ka kung isa kang atheist subalit para sa isang Kristiyano ay hindi na ito bago. Wala rin itong masyadong thrill dahil iisang milagro lang ang inembistigahan ni Strobel. Bukod doon ay wala akong nakitang sinseridad sa pagbabago nito sa dulo at nagmukhang nawalan lang siya ng pagpipilian kung bakit naiba ang paniniwala nito.


No comments:

Post a Comment