Search a Movie

Saturday, December 9, 2017

Wonder Woman (2017)

Poster courtesy of IMP Awards
© Warner Bros.
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Gal Gadot, Chris Pine
Genre: Action, Adventure, Fantasy
Runtime: 2 hours, 21 minutes

Director: Patty Jenkins
Writer: Allan Heinberg, Zack Snyder (story), Jason Fuchs (story)
Production: Warner Bros., Atlas Entertainment, Cruel & Unusual Films, DC Entertainment
Country: USA


Sa nakatagong isla ng Themyscira lumaki at nagkaroon ng ibayong pagsasanay ang amazonang si Diana Prince (Gal Gadot). Sa islang din ito niya makikilala ang pilotong si Captain Steve Trevor (Chris Pine) matapos bumagsak ang minamaneho nitong eroplano sa baybayin ng Themyscira.

Sa pamamagitan ni Steve ay mapag-aalaman ni Diana ang kasalukuyang giyera na sumiklab sa labas ng kanilang isla. Sa pag-aakalang kagagawan ito ni Ares, ang diyos na pumatay kay Zeus na siyang itinuturing nilang diyos, ay makikipagtulungan si Diana kay Steve upang iligtas ang sanlibutan mula sa kamay ng mga kalaban.

Sobrang lakas ng screen chemistry nila Gadot at Pine. Titigan palang nilang dalawa ay tiyak na kikiligin ka na. At bumagay talaga kay Gadot ang role na ibinigay sa kaniya. Mula sa katawan hanggang sa accent ay napangatawanan nito ang pagiging iba ni Wonder Woman mula sa isang normal na tao. 

Ang nakakatuwa dito sa pelikula ay ginamit nila ang ignorance ng bida upang magpakita ng humor na sobrang nakaka-akit panoorin lalo na't magaling ang pagsasabuhay ni Gadot kay Diana. Dahil dito ay madaling magustuhan ang bida. Bukod sa sexy at seductive ay nandoon parin ang pagiging astig at matapang nito. 

Pagdating naman sa mga special effects, medyo napaghahalata ang CGI nito na hindi naman big deal dahil magaganda ang mga action sequence sa palabas. Mas naging kapana-panabik ang labanan dahil sa slow motion ng bawat laban. Ang hindi ko lang siguro nagustuhan dito ay ang cheesy climax nito.

Si Wonder Woman na siguro ang bubuhay sa DC Extended Universe at kung hindi gagalingan ng ibang superheroes ay tiyak na mapag-iiwanan sila ng sexing amazona.


No comments:

Post a Comment