Search a Movie

Monday, January 29, 2018

Triangle (2009)

Poster courtesy of Rato-Movie Posters
© Icon Entertainment International
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Melissa George
Genre: Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 39 minutes

Director: Christopher Smith
Writer: Christopher Smith
Production: Icon Entertainment International, Framestore, UK Film Council, Pacific Film and Television Commission, Dan Films
Country: United Kingdom, Australia


Kasama ang ilang kaibigan ay naglayag sa isang yate si Jess (Melissa George) upang umiwas panandalian sa realidad. Subalit ang pag-iwas na ito ay nauwi sa isang trahedya nang salubungin sila ng malakas na bagyo sa gitna ng karagatan. Nasira ang yate na kanilang sinasakyan. Mabuti na lang at isang barko ang kanilang nakadaupang-palad na siyang sumaklolo sa kanila. Ang problema, walang laman na tao ang naturang barko. Dito na magsisimula ang misteryong bumabalot sa barko nang mapagtanto ni Jess na ang kanilang sinakyan ay hindi pangkaraniwan.

Napakatalino ng taong nasa likod ng kuwento ng Triangle. Bukod sa nakaka-akit nitong konsepto ay mayroon pa itong malalim na istoryang kinakailangan mong pagtuunan ng pansin upang tuluyang maunawan kung para saan o bakit ganoon ang naging takbo nito. Isa na siguro ang Triangle sa mga pelikulang may mind-blowing storyline. Na pagkatapos mo itong panoorin ay mapapa-research ka pa dahil sa pagkamanghang iiwan nito sa iyo. At lalo ka pang mamamangha sa mga impormasyong makakalap mo mula rito.

Si George ang magdadala sa pelikula, maliban sa kuwento nito, siya ang magbibigay buhay sa palabas. Sa kabila ng nasobrahang pag-arte ng kaniyang mga kasamahan ay nagpamalas si George ng saktong galing na siyang nararapat sa kaniyang isinasabuhay na karakter.

Maganda ang unti-unting paglalahad ng katotohanan sa istorya ng Triangle. Ibibigay nito ang malaking misteryo sa simula na susundan naman ng mga thrilling an mga eksena sa kalagitnaan at kaunting drama sa katapusan. Malilito ka sa simula ngunit kung bibigyan mo lang ng atensyon ang mga maliliit na impormasyon na ipapakita sa iyo ng palabas ay tiyak na mapapapalakpak ka sa nakatagong ganda ng pelikula.


No comments:

Post a Comment