Search a Movie

Saturday, July 28, 2018

Better Watch Out (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Storm Vision Entertainment
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Olivia DeJonge, Levi Miller
Genre: Horror, Thriller
Runtime: 1 hour, 29 minutes

Director: Chris Peckover
Writer: Zack Kahn, Chris Peckover
Production: Storm Vision Entertainment, Best Medicine Productions
Country: Australia, USA


Isang 17-year old na dalaga si Ashley (Olivia DeJonge) na nakatakdang mag-babysit sa dose anyos na si Luke (Levi Miller) habang wala ang mga magulang nito. Ito na ang huling pagbabantay ni Ashley sa naturang binata bago ito lumipat ng tirahan kaya naman nagplano si Luke kung papaano nito lalandiin ang dalagang matagal na niyang nagugustuhan.

Ngunit makailang tangka man si Luke na gumawa ng moves kay Ashley ay hindi ito pinatulan ni Ashley dahil bata pa ito at wala din siyang gusto mula rito. Sa paglipas ng gabi ay isang hindi makilalang tao ang nagtatangkang pumasok sa kanilang bahay. Gagawin ang lahat ni Ashley ma-protektahan lang ang kaniyang alaga ngunit nang malaman niya kung sino ang nasa likod nito ay biglang nagbago ang kaniyang isip.

Noong una'y tila low-budgeted slasher film ang dating ng Better Watch Out ngunit habang tumatagal ay magugustuhan mo ang pag-arte ng dalawang bida na bagamat mga bata pa ay may ibubuga na sa aktingan pagdating sa genre nito. Commendable ang ipinamalas na galing dito ni Miller na siyang bumida sa palabas dahil hindi mo aasahan sa kaniya ang naging role nito sa kabila ng kaniyang baby face.

Pagdating sa kuwento, ipamigay na natin ang ilang jumpscares na wala namang kinalaman sa kuwento na ginawa lang upang magdagdag ng horror sa palabas, ang ibibigay sa iyo ng Better Watch Out ay hindi takot kundi anxiety sa bawat eksena. Nakapagbigay ito ng suspense feeling sa bawat manonood ngunit mas ramdam mo ang pagkabahala sa bawat tagpo. Ngunit huwag mag-alala dahil patitikimin naman kayo ng pure satisfaction sa katapusan ng pelikula dahil sa maganda at maayos nitong ending. Medyo bitin ngunit perfect ending.


No comments:

Post a Comment