Search a Movie

Monday, May 1, 2023

Murder Mystery 2 (2023)

6 stars of 10
★★★★★ ☆☆

Starring: Adam Sandler, Jennifer Aniston
Genre: Action, Comedy, Crime
Runtime: 1 hour, 30 minutes

Director: Jeremy Garelick
Writer: James Vanderbilt
Production: Happy Madison Productions, Echo Films, Mythology Entertainment, Vinson Films, Endgame Entertainment
Country: USA


Makalipas ang apat na taon simula noong mangyari ang mga kaganapan sa naunang pelikula, isa na ngayong full-time private detective ang mag-asawang sina Nick (Adam Sandler) at Audrey Spitz (Jennifer Aniston).

Muli nilang makakasalamuha ang mga survivors ng Monte Carlo murder case matapos maimbitahan ang mag-asawa sa kasal ni Maharajah (Adeel Akhtar). Subalit ang engrandeng selebrasyon ay mauuwi sa sakuna nang biglang makidnap si Maharajah kapalit ng malaking halagang pera. Dito na ngayon papatunayan nila Nick at Audrey ang galing nila sa pag-iimbestiga lalo na't makakasama nila sa imbestigasyon ang professional at sikat na detective na si Connor Miller (Mark Strong).

Kung ako ang tatanungin, mas nagustuhan ko ang Murder Mystery 2 kumpara sa nauna nitong palabas. Toned down na kasi ang mga cringy jokes ni Sandler. Nabawasan na ang pagiging epal ng karakter nito kahit na medyo may pagka-sad boy pa rin siya minsan. Mas nakakatawa rin ang mga banat dito at higit sa lahat hindi ka malilito at mahihirapang kilalanin ang mga karakter kahit na hindi sila well established dahil napanood mo na ang ilan sa kanila sa part one.

Mas naging maaksyon ang mga eksena sa sequel at dahil dito, aaminin kong medyo nabawasan ang pagiging mysterious ng palabas. Hindi nila ito masyadong nabalanse pero kudos pa rin dahil naging unpredictable pa rin naman ang ending nito. Oo nga't hindi high quality ang kuwento pero disente naman ito at pasado na para pasayahin ang araw mo basta 'wag mo lang itong masyadong seryosohin.


© Happy Madison Productions, Echo Films, Mythology Entertainment, Vinson Films, Endgame Entertainment

No comments:

Post a Comment