Search a Movie

Tuesday, May 9, 2023

No Exit (2022)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Havana Rose Liu, Danny Ramirez, David Rysdahl
Genre: Thriller
Runtime: 1 hour, 35 minutes

Director: Damien Power
Writer: Andrew Barrer, Gabriel Ferrari, Taylor Adams (novel)
Production: 20th Century Studios, Flitcraft
Country: USA


Isang recovering drug addict si Darby Thorne (Havana Rose Liu). Nang matanggap nito ang balitang nasa ospital ang kaniyang ina dahil sa brain aneurysm ay tumakas siya mula sa rehab para magpunta sa Salt Lake Center. Ang problema ay nagkaroon ng matiding blizzard habang siya'y nasa daan kaya kinailangan niyang manatili pansamantala sa isang local visitor's center kung saan ay makikilala niya ang apat na estrangherong tulad niya ay stranded din.

Habang nagpapalipas ng gabi ay isang sikreto ang mapag-aalaman ni Darby. Isang batang na-kidnap ang makikita niya sa isa sa mga sasakyang pagmamay-ari ng isa sa mga estrangherong kasama niya sa naturang lugar. Nasa sa kaniya na ngayon kung papaano niya ililigtas ang bata at kung papaano niya malalaman kung sino sa apat ang kidnapper nito.

Maganda ang konsepto ng No Exit. Thrilling siya dahil sa kaalamang stranded ang bida at isa sa mga kasama niya ang suspect. Hindi na 'ko nagulat sa unang twist dahil apat na tao lang naman ang pagpipilian kung sino sa kanila ang kidnapper. Pero nagulat ako na may nakahanda palang second twist ang palabas at nagustuhan ko ito.

Ang hindi ko nagustuhan ay ginawa nilang bobo ang kasama nilang marine at pati na rin ang rumespondeng pulis para lang mabigyan ng highlight ang bida. Satisfying naman ang naging ending nito pero nakakairita lang na kailangan nilang pagmukhaing walang training ang mga taong dapat ay tagapagligtas para lang bumida ang bida. Para sa 'kin ay lazy writing ito dahil palagi na lang gano'n ang senaryo.

Overall, maganda itong panoorin kasama ang mga kaibigan o maging ang pamilya. Mai-enjoy mo ang panonood nito kung mahilig ka sa mga palabas na magpapakabog sa sa 'yong dibdib. Hindi ka mabo-bore dahil mabilis ang mga pangyayari at hindi ito dragging.


© 20th Century Studios, Flitcraft

No comments:

Post a Comment