Search a Movie

Tuesday, May 2, 2023

One More Chance (2007)

8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: John Lloyd Cruz, Bea Alonzo
Genre: Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 55 minutes

Director: Cathy Garcia-Molina
Writer: Vanessa R. Valdez, Carmi Raymundo
Production: ABS-CBN Film Productions, Inc.
Country: Philippines


College sweethearts sina Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo) na parehong nagtatrabaho sa isang construction firm. Engineer si Popoy samantalang architect naman si Basha, perfect couple na sana na maituturing.

Pero sa loob ng limang taong pagsasama nilang dalawa ay mapupuno na lang si Basha sa pagiging dominante at controlling ni Popoy kung saan siya ang palaging gumagawa ng desisyon, laging siya ang nasusunod. Pakiramdam ni Basha ay parang nasasakal na siya sa relasyon nila dahil nalilimitahan ang kaniyang talento. Dito na magsisimulang magkaroon ng lamat ang dating sweet na sweet nilang pag-iibigan.

Iconic film na na maituturing ang One More Chance. Hindi na 'ko magtataka dahil maganda naman talaga ang pelikula. Mula sa lead cast hanggang sa mga supporting actors isinabuhay nila ang kani-kanilang karakter ng maayos. Hindi si Cruz at Alonzo ang napanood ko sa pelikula kundi si Popoy at Basha. Mahihila ka sa kuwento nilang dalawa, pakikiligin ka nila, patatawanin at sasaktan. Ang maganda rito ay realistic ang naging takbo ng kuwento na hindi imposibleng mangyari sa atin mismo kaya madali lang ang maka-relate.

Isa rin sa mga nagpaganda pa ng pelikula ay ang dialogue nito. Natural na natural ang mga batuhan ng linya na mas pinaganda pa ng pag-arte at pagbigkas ng mga bida ng palabas. Medyo nakaka-distract nga lang ang wig na ginamit dito ni Alonzo pero hindi naman siya nakakasira sa pangkalahatang ganda ng pelikula. Kung gusto mo ng worth it na romantic drama, hindi mo dapat palampasin ang One More Chance.


© ABS-CBN Film Productions, Inc.

No comments:

Post a Comment