Search a Movie

Monday, May 8, 2023

A Second Chance (2015)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: John Lloyd Cruz, Bea Alonzo
Genre: Drama
Runtime: 2 hours, 10 minutes

Director: Cathy Garcia-Molina
Writer: Carmi G. Raymundo, Vanessa R. Valdez, Cathy Garcia-Molina
Production: ABS-CBN Film Productions, Inc.
Country: Philippines


Sa pagpapatuloy ng love story nila Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo) sa One More Chance (2007), sisimulan ng pelikula ang kuwento sa pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Iikot ang pelikula sa buhay mag-asawa nilang dalawa at kung papaano nila haharapin ang mga problema sa pagbuo ng isang pamilya.

Magiging failed achiever si Popoy habang pilit binubuhay ang naghihingalo nilang kumpanya samantalang isinakripisyo naman ni Basha ang kaniyang talento't pangarap para lang maging intact ang kanilang samahan. Ang kaniya-kaniya nilang problema ang magiging dahilan kung bakit ang kanilang pag-iibigan ay unti-unting mauuwi sa kaguluhan.

Sinabi kong iconic ang One More Chance at totoo naman ito pero itong sequel ay hindi gaanong pumantay sa ganda ng nauna nitong pelikula. Aaminin ko na medyo nabawasan ang chemistry nila Cruz at Alonzo matapos ang ilang taon pero kahit ganoon ay bumawi naman sila sa galing nila sa pag-arte.

Makikita sa pelikulang ito ang pagiging award-winning actor ni Cruz. Sobrang madadala ka sa kaniyang karakter at sa pinagdadaanan nito dahil nagampanan niya ng hindi lang maayos kundi magaling ang kaniyang karakter. Sa parehong pagkakataon ay maganda rin ang ipinakitang pag-arte ni Alonzo dahil hindi rin naman siya nagpahuli.

Maaaring maging relatable ang naging kuwento ng A Second Chance lalo na sa mga mag-asawa. Pero para sa akin ay naulit lang ang formula ng One More Chance sa palabas na ito. Awayan, realizations, balikan. Wala nang gaanong impact para sa 'kin dahil nagawa na ito at napanood ko na rin. Ganoon pa man ay maganda pa rin naman ang kinalabasan ng palabas.


© ABS-CBN Film Productions, Inc.

No comments:

Post a Comment