Search a Movie

Monday, December 18, 2023

Quiz Lady (2023)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Awkwafina, Sandra Oh
Genre: Comedy
Runtime: 1 hour, 39 minutes

Director: Jessica Yu
Writer: Jen D'Angelo
Production: 20th Century Studios, Gloria Sanchez Productions, Artists First
Country: USA


Matapos ma-kidnap ang kaniyang aso kapalit ang malaking halaga ng pera na inutang ng kanilang ina, kailangan ngayong gumawa ng paraan ni Anne Yum (Awkwafina) para maisalba ang kaniyang alaga na nagsilbi na niyang pamilya sa loob ng mahabang panahon.

Sa tulong ng kaniyang kapatid na si Jenny Yum (Sandra Oh) ay mapipilitang sumali si Anne sa paborito niyang quiz show para makuha ang perang kinakailangan nila. Pero bago nito, dapat muna niyang malampasan ang takot niya sa pagharap sa maraming tao.

Nawili ako sa trailer ng palabas dahil sobra itong nakakatawa. Hindi naman ako nagkamali dahil punung-puno nga ng mga nakakatawang eksena itong Quiz Lady. Hindi ko inaasahan na magiging maganda ang chemistry ng dalawang bida. Namangha ako sa kanila pareho dahil ibang-iba ang naging karakter nila sa nakagawian. Ngayon ko lang napanood si Awkwafina na awkward at kulang ng confidence ganoon din si Sandra na kabaliktaran naman nito. Pareho nilang nagampanan ng maayos ang mga pinagbidahan nila.

Pagdating sa kuwento, sobrang babaw ng lahat. Mapa-conflict, character development pati ang goal ng bida, parang hindi ito seryoso pero surprisingly ay hindi ito basura. Maayos ang pagkakalapat ng storyline at hindi binalahura ang pelikula para lang maging nakakatawa. Pasok ang humor nito para sa akin at ang maganda ay hindi naapektuhan ang pagkakaroon nito ng maayos na istorya. Likable lahat ng character at exciting ang naging adventure nilang magkapatid. Susuportahan mo talaga sila sa naging journey nila.

Isa itong pelikula na hindi seryoso pero matino. Mababaw man ay isa ang palabas na ito sa mga comedy film na kaya kong upuan dahil sensible ang mga takbo ng pangyayari. Malayo sa realidad pero katanggap-tanggap pa rin naman.


© 20th Century Studios, Gloria Sanchez Productions, Artists First

No comments:

Post a Comment