Search a Movie

Wednesday, July 2, 2025

Water Lemon (2015)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Junjun Quintana, Tessie Tomas
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 43 minutes

Director: Lemuel Lorca
Writer: Lilit Reyes
Production: Blue Sky Productions, Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment
Country: Philippines


May autism ang binatang si Filemon o Lemon (Junjun Quintana) na nakatira sa baybaying bayan ng Mauban, Quezon kasama ang kaniyang inang si Pina (Tessie Tomas).

Nagkaroon ng kakaibang adiksyon si Lemon sa lebel ng tubig sa kanilang katubigan dahil naniniwala siyang unti-unti ay nagkakaroon ng pagbabago ang karagatan nila na hindi napapansin ng mga residente. Dahil tahimik at may sariling mundo si Lemon, kadalasan ay hindi siya naiintindihan ng mga tao sa paligid niya dahilan kung bakit pakiramdam niya ay hindi siya nakikita ng mga tao.

Nahirapan akong gawan ng buod ang pelikulang ito dahil sa totoo lang ay parang kinulang ng maayaos na naratibo ang Water Lemon. Wala itong matibay na conflict para ma-hook ang mga manonood. May goal man ang bida ay wala itong ginagawa para maabot ito. Walang direksyon ang istorya kaya mahihirapan ang audience na sundan ito. Matutunghayan lang dito kung ano ang buhay ng mga residente sa Mauban na boring at paulit-ulit. Katulad ng buhay ng mga karakter, boring din ang pelikula pero sa tingin ko ay 'yun talaga ang gustong palabasin ng Water Lemon.

Magagaling ang mga supporting character lalo na si Tomas na naipadama kung ano ang hirap na pinagdadaanan ng kaniyang karakter. Maayos nilang nasuportahan ang bida pero kung gaano kahusay ang mga support ay kinulang naman sa galing ang lead star nitong si Quintana. May mga pagkakataon na parang nawawala siya sa karakter lalo na kapag nagtatagalog siya. Kadalasan, para siyang nagbabasa lang ng tula kapag naglalahad na siya ng mga impormasyon patungkol sa tubig.

Sa totoo lang, ang pelikulang ito ay malalim kapag naintindihan mo na kung ano ba talaga ang nais nitong iparating. Kaso sa sobrang lalim nito ay hindi na ito maabot ng mga manonood. Maganda sana na nakapagbigay pa rin sila ng maayos na storyline para sa audience saka nila paunti-unting ipapasok ang mga matatalinhagang aral na planong ihain ng pelikula sa mga tao. Katulad ng bidang si Lemon, ang audience ay unti-unti ring malulunod sa kung gaano ka-stagnant ang kuwento Water Lemon.


© Blue Sky Productions, Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment

No comments:

Post a Comment