Search a Movie

Saturday, January 30, 2021

The Call (2020)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Park Shin-hye, Jeon Jong-seo
Genre: Crime, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 52 minutes

Director: Lee Chung-hyun
Writer: Lee Chung-hyun
Production: Yong Film
Country: South Korea


Dalawang dalaga ang pagtatagpuin ng isang mahiwagang telepono. Si Kim Seo-yeon (Park Shin-hye) ay mula sa kasalukyan samantalang si Oh Young-sook (Jeon Jong-seo) ay mula naman sa nakaraan. Sa pamamagitan ng pagtawag sa nakaraan ay makakabuo ng pagkakaibigan sina Seo-yeon at Young-sook. Gamit ang kaalaman sa kasalukyang panahon ay ililigtas ni Seo-yeon si Young-sook sa nakatakda nitong kamatayan. Bilang kapalit ay susubukan namang ibalik ni Young-sook ang buhay ng minamahal ni Seo-yeon sa pamamagitan ng pagpalit ng mga pangyayari sa nakaraan.

Hindi na bago ang present to past connections bilang konsepto ng isang storyline pero kahit papaano ay nagawa ng The Call na gawing kakaiba ang kuwento nito. Mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng pelikula ay walang ibang ibibigay sa iyo ang palabas kundi ang intense na mga eksena.

Maganda na sana para sa aking panlasa ang takbo ng istorya pero nang dumating ito sa climax at konklusyon ay hindi na ito umayon sa inaasahan kong kalalabasan. Nagustuhan ko ang kuwento, nagustuhan ko rin ang naramdaman kong thrill habang pinapanood ang palabas pero pagsapit sa bandang dulo ay bibigat na lang ang loob mo habang pinapanood ang pagiging mahina ng bida kahit na nasa kaniya na ang lahat ng motibasyon upang lumaban. Hinintay ko siyang maging badass kaso ay naiwan lang ako sa ere kahihintay ng magandang development sa bida. Umaasa ako ng magandang pagtutuos sa pagitan nila Seo-yeon at ng kontrabida subalit hindi ito ibinigay sa mga manonood.

Mabuti na lang at magaling sina Jeon at Park sa kani-kanilang mga karakter. Nakakagulat din ang twists. Maganda talaga ang premise pero sa ending lang nagkatalo. Kung mas naisulat lang sana ito sa mas maayos ng katapusan, dumagdag pa ang epilogue nito na hindi naman nakatulong. Ayaw ko ng happy ending, ayoko rin sa tragic ending, ang ninanais ko lang ay ang ending na deserve ng bida. 9 stars sa matalino nitong istorya, naging 8 dahil sa underwhelming na ending at sa huli'y nauwi sa pagiging 7 stars dahil sa humabol na epilogue nito.



Poster courtesy of IMDb.


No comments:

Post a Comment