Photo courtesy of IMP Awards © Beijing Talent |
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Jackie Chan, Johnny Knoxville
Genre: Action, Adventure, Comedy
Runtime: 1 hour, 47 minutes
Director: Renny Harlin
Writer: Jay Longino, BenDavid Grabinski, Wen-Chia Chang
Production: Cider Mill Pictures, Dasym Entertainment, InterTitle Films, JC Group International
Country: Hong Kong, China, USA
Isang police detective si Bennie Chan (Jackie Chan) na obsessed sa businessman na si Victor Wong (Winston Chao) sa pag-aakalang ito ang notorious crime leader na may alyas na "Matador". Nagsimula ang obsession na ito ni Bennie sa Matador nang mapaslang ang partner nitong si Yung (Eric Tsang) sa isang misyon.
Nang mapasabak sa gulo si Samantha (Fan Bingbing), ang anak ni Yung, sa sindikatong si Victor ay kinakailangan ngayong ilayo ni Bennie sa kapahamakan ang inaanak. Magagawa lang niya ito kapag mahanap niya ang Amerikanong si Connor Watts (Johnny Knoxville) na nasa kamay ngayon ng grupo ng isang Russian Gang. Si Connor ang kaisa-isang saksi sa murder na naganap sa casino ni Victor at siya rin ang maaaring makapagpatunay sa katauhan ng sikat na negosyante.
Nasa Skiptrace na siguro ang lahat ng overused twists na ilang ulit na nating nakita sa mga pelikulang aksyon. Ang obsession ng bida sa isang taong ma-impluwensya sa paghihinalang ito ang kontrabida, ang pagkamatay ng matalik na kaibigan at partner ng bida at ang side kick na walang alam sa pakikipag-laban at tagapagbigay lang ng tawa sa mga manonood.
Dahil sa cliché nitong kuwento ay tiyak marami na sa atin ang makakahula sa kung saan papatungo ang pelikula sa simula palang. Ang kaibahan lang siguro nito sa mga nakaraang palabas ni Jackie Chan ay hindi tulad ng dati na siksik ng aksyon ang bawat tagpo. Sa pagkakataong ito, ang Skiptrace ay iikot sa isang adventure na mamamagitan kina Bennie at Connor. Dito gagalaw ang development ng kanilang karakter ngunit sa parteng din ito mapupunta ang bahaging unang malilimutan ng nanonood. Bagamat nakakatawa ay walang impact ang adventure nila Bennie at Connor, pinuno lang ito ng samu't-saring humor na kagigiliwan naman ng kung sino man ang nanonood ngunit sa sobrang haba nito ay madali lang itong makalimutan.
Sa mahabang adventure na ito ay bumagal ang pacing ng kuwento at naging anti-climactic tuloy ang mga tagpo dapat na bubuhay sa pelikula. Dahil inaasahan ko na ang magiging twist nito sa dulo ay hindi na ako nagulat sa mga rebelasyon at ang ginawa ko na lang ay ang maghintay na umikot ang ending credits.
Walang naibigay na bago si Jackie Chan sa kaniyang pelikula, hindi parin naman dito nawala ang mga astig na action sequence na dinagdagan ng katatawanan na siyang trademark nito. Bawat sipa at suntok ay tila isang performance na plakado at magpapa-alala na Jackie Chan is still Jackie Chan. Maayos din ang ipinamalas ni Knoxville sa parehong drama at comedy at nakaya naman nitong sumabay kay Jackie.
Sa kabila ng hindi gaanong kagandang effects ay makapagbibigay pa naman ang Skiptrace ng disenteng pang-aaliw kapag ika'y nababagot. Iyon nga lang ay huwag na tayong umasa ng kakaibang kuwento dahil paniguradong napanood mo na ang istorya nito sa ibang palabas.

No comments:
Post a Comment