Search a Movie

Monday, June 2, 2025

Everything About My Wife (2025)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Sam Milby
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 50 minutes

Director: Real Florido
Writer: Rona Co, Pablo Solarz (Argentine film)
Production: GMA Pictures, CreaZion Studios, Glimmer Studio
Country: Philippines


Hindi lahat ng nagkakatuluyan ay may happily ever after. 'Yan ang pinatunayan ni Dominic Brizuela (Dennis Trillo) na aminadong nahihirapan na sa estado ng marriage life nila ng kaniyang asawang si Imogen Karuhatan (Jennylyn Mercado). Pero sa halip na harapin at ayusin ang kanilang problema isang kakaibang solusyon ang kaniyang naisip — makikipag-deal siya sa kapitbahay nilang playboy na si Miguel (Sam Milby) para akitin ang kaniyang asawa, isang bagay na pagsisisihan ni Dominic sa huli.

Ang Everything About My Wife ay isang pelikula kung saan pinagsama rito ang romantic comedy at drama para talakayin ang mga komplikasyon sa buhay mag-asawa at kung ano ang kahalagahan ng komunikasyon para mapanatili itong malusog. Bagamat may mga temang sigurado akong makaka-relate ang mga mag-asawa pati na rin ang mga magkasintahan, hindi gaanong na naipakita nang maayos ang potensyal ng kuwento dahil sa ilang kahinaan pagdating sa produksyon nito. Para bang hindi nila alam kung saan ba sila magfo-focus, sa comedy o sa drama.

Isa sa mga kapansin-pansin na problema ng palabas ay ang post-production nito. Halatang-halata ang mga continuity error sa pelikula na nakaka-distract para sa isang manonood. Pagdating naman sa pag-arte, parang nagtutula lang si Milby. Walang emosyon ang bawat banat nito sa mga dialogue na kaniyang binibitawan. Hindi ko rin kinagat ang chemistry nila Mercado at Milby kaya para sa 'kin ay walang impact ang mga eksena nilang dalawa.

Medyo corny at predictable din ang paraan ng pagpapatawa ng palabas. Ang mga magagandang punchline ay nasa trailer na kaya hindi na 'ko masyadong napatawa nito. Gayunpaman, maganda ang istorya ng Everything About My Wife. Simple lang ito at relatable kahit na medyo boring ang naging execution nito. Pinaka-highlight ng pelikula ay ang eksena sa birthday party kung saan lumabas ang galing ni Mercado sa pag-arte. Mag-isa niyang binuhat ang eksenang 'yon at nilamon niya sa aktingan sina Trillo at Milby.

Ang tanging saving grace ng palabas ay ang realistic na kuwento nito. Marami ang makaka-gets nito dahil marami na ang dumaan sa katulad ng problema na pinagdadaanan ng mga bida. Magand ang tema, layunin at aral na dulot ng palabas ngunit kinulang ito sa maayos na pagkakagawa at hindi ganap na naipamalas ang potensyal ng kuwento.


© GMA Pictures, CreaZion Studios, Glimmer Studio

No comments:

Post a Comment